fbpx
Thursday, May 2, 2024

CHA-CHA: URONG-SULONG NA DAHILAN AT MOTIBO

0 0
Read Time:3 Minute, 14 Second

 

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Ni Rick Daligdig

 

Mainit pa rin na pinag-uusapan ang pinagkakaabalahan ng ating mga kagalang – galang na mga pinuno na nasa Kamara de Representante o mas kilala sa tawag na Congress. Ito ay walang iba kundi ang Charter Change o ang mas kilala sa tawag na CHACHA.

 

Kung tayo ay magbabalik tanaw, Taong 2023 ng sabihin ni Speaker Martin Romualdez ang pasusulong ng ChaCha nito sa mababang kapulungan. Dahil dito ay inilunsad nila ang People Initiative na kung saan isa ito sa pamamaraan na itinalaga ng Konstitusyon sa kung paano mababago ang Saligang Batas. Kailangan lamang ng pirma ng  12% ng kabuuang voter’s population o 3% kada distrito. Subalit ito ay nabalam dahil nabahiran ito ng kontrobersiya dahil sa nagaganap nang pagbili ng pirma sa ilang distrito at ito ay sa inisyatibo ng mga kagalang galang na Congressmen DAW. Ito ang  lumabas mismo sa ginawang pag-iimbistiga ng Senado na kung saan ang mismong Speaker daw ang pasimuno ng P.I. o Peyk Initiative. 

 

Ang isa sa mga motibo daw ng mababang kapulungan ay para maging “vote jointly” ang proseso sa CHACHA  sa kasalukuyang “vote separately.” Ano nga naman ang numero ng 24 senador laban sa halos 300 members ng Kamara? Isa pa rin daw sa mga nais baguhin ay ang porma ng gobyerno na mula sa presidential form ay gagawing parliament  form of government, alisin ang term limits sa mga nanunugkulan at higit sa lahat alisin ang ‘Right to Suffarage” sa ating mamamayan dahil daw sila-sila na lang ang magbobotohan n gating magiging lider sa hinaharap.

 

Bagamat lahat ng ito ay pinabulaanan ng mga lider sa Kamara, buong giting naman na sumasalag ang Senado na humantong pa sa palitan ng patudsada sa isa’t isa.

 

At para lalong  maging masaya at makulay ang kwento, noong taong 2022. Si Pangulong Marcos Jr. ay sinabing hindi daw priority ang CHACHA at kaya naman magawa at mabangon ang ekonomiya ng hindi ginagalaw ang 1987 Constitution. Fast Forward, year 2023 mismong ang Pangulo din ang nagsabi na kelangan ang pagbabago ng Konstitusyon upang makapasok ang mas maraming mamumuhunan sa bansa at makalikha ng trabaho sa bansa. Really??

 

Ang Saligang Batas ang siyang pundasyon ng ating pamahalaan bagamat ito ay halos apat na dekada na hindi ito nangangahulugan na ito ay wala na sa panahon. In fact ang Saligang Batas bilang pinakamataas na Batas sa bayan ang siyang naggagarantiya ng lahat ng karapatan ng mamamayan at magkaroon ng pantay pantay na karapatan at makamit ang mga serbisyo ng pamahalaan.

 

Bukod dun may mga batas ng naipasa noong nakaraang administrasyon upang maging mas kaakit-akit ang bansa sa mga mamumuhunan. Ilan dito ay ang Public Service Act, Retail Trade Liberalization Law, Ease of Doing Business Act, Foreign Investor Act, Train Law I, CREATE Act at ilan pa na kung ito ay maipapatupad ng maayos ay malaki na rin ang magagawa para sa pagpapaangat ng ekonomiya ng bayan.

 

Dahil masigasig ang ating mga kagalang-galang na Congressman sa pagsusulong ng CHACHA at ito ay naaprubahan na nila at ang kanilang press release ay ECONOMIC CHACHA. Sa madaling sabi, ung mga patungkol lang sa ekonomiya ang dapat baguhin o kanilang gagalawin. Sa Senado naman nagpapatuloy ang konsultasyon sa ating mga legal luminaries, constitutional framers, former justices kung nararapat ba na baguhin na ang 1987 Constitution.

 

Sa kabi-kabila at masalimuot na proseso ng Charter Change, mula sa Peyk Initiative (P.I.). Pabago-bagong tayo ng Presidente, at samut-saring motibo ng mga pulitiko kung bakit masyado silang nagmamadali sa pagbabago nito minsan mapapatanong na lang ang simpleng Juan dela Cruz, Talaga bang kame ang iniisip nyo kaya gusto nyo mag CHACHA o para lang manatili kayo sa poder? Hamo, manatili tayong magpagbantay at mapagmagtyag sa mga susunod ng kilos ng ating mga kagalang galang na kinatawan ng sambayanang PILIPINO. ##

 

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

In Focus Opinion Rick Daligdig

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading