
PHOTO NEWS: Tsinoy na kapitan sa Tacurong City nag-alay ng libreng-sakay sa mga residente
TACURONG CITY, MINDANAO — Isang kapitan ng barangay sa siyudad na ito ang umani ang papuri matapos itong ma-ispatan ng mga “netizen” na nag-aalay ng “libreng sakay” sa kanyang mga ka-barangay or maging mga residente ng ibang mga barangay na walang masakyan.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Makikita sa larawan si Kapitan Jose “Beng” Lim V ng Barangay Poblacion ng Tacurong City sa probinsya ng Sultan Kudarat sakay ng kanyang “trike emergency patrol vehicle” na nag-iikot at naghahanap ng mga residente na na-stranded sa mga kalye.
Si Kapitan Beng Lim ay isang kilala at respetadong Filipino-Chinese na negosyante sa Tacurong City at sa boung probinsya ng Sultan Kudarat. Siya ay apo ng “first mayor” ng Cotabato City at kilala sa pagiging aktibo nito na lider ng kanyang barangay. (RAMIL H. BAJO-MINDANAO BUREAU/PHOTO CREDIT TO TACURONG TAMBAYAN FACEBOOK PAGE)