Ngayon ay nasa ikatlong linggo na tayo nang patuloy na umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon at ang pagdedeklara ng state of calamity sa buong bansa bunsod ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) global pandemic.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Pinaiigting din ang social distancing sa lahat at ugaliin ang paghuhugas ng ating mga kamay at ang pag-disinfect sa ating mga paligid. Kaso sa mga oras na ito, halos wala na tayong mabilhang alcohol sa mga supermarket, drugstore o pharmacy. Gaya ko, mula pa nung mag lockdown ay hindi na ako nakabili pa ng alcohol. Dahil sa dinumog nang mga mapang-abusong konsyumer ang pagbili ng alcohol at naging sanhi ng kakapusan ng suplay ng alcohol. Kaya nagkaroon ng pagkakataon ang iba na magbenta ng iba’t ibang klase ng alcohol sa online.
Ito rin ang ikinababahala ng ating mga otoridad dahil sa paglipana nang mga mapagsantala at nanlalamang sa kapwa na nagbebenta diumano nang mga pekeng alcohol sa online. May mga naaresto na rin ang ating mga otoridad na nagsasagawa ng ganitong kalakaran na may mga grupo na sila mismo ang gumagawa ng paghahalo ng nasabing alcohol at ibinibenta sa online sa mas mataas na presyo.
Gaano ka nga ba nakasisiguro na ang bibilhin mong alcohol na pang disinfect ay 70% isoprophyl thru online? Kaya naman narito ang ilang mga tips kung paano tayo makasisigurong hindi fake ang alcohol na ating mabibili sa online;
1. Kung magche-check thru online ng mga alcohol na ibinibenta, mangyaring tanungin muna ang seller sa presyo nito.
2. Kung mas mataas o mas mura ang bentahan ng alcohol sa online magtaka ka na dahil may guidelines for consumer act ang sinusunod ang bawat manufacturer sa presyuhan ng alcohol.
3. Tanungin kung saan gawa o manufactured ang ibinibentang alcohol? Magtaka ka kung hindi ka pamilyar sa brand nito o kung walang brand o tatak at nakalagay lamang sa oridinaryong botelya.
4. Alamin kung anong basis mixture ng alcohol na kanilang ibinibenta?
5. Dapat ay may permit mula sa Food and Drug Administration at Department of Trade and Industry.
Ilan lamang iyan sa mga tips kung paano tayo makasisiguro na tama ang kalidad ng produkto ng alcohol ang ating binibili. Kaya naman, pinag-iingat ang lahat na huwag basta-basta tatangkilikin ang mga naglipanang alcohol sa online. At para sa mga mahuhuli, may naghihintay na kaparusahan sa inyo ang batas. Ito ay base sa itinakda ng Consumer Act, Price Act, at ng FDA law. | REX MOLINES | 📷 google
#ConsumerAct
#PriceAct
#FoodAndDrugAuthority
#DepartmentOfTradeAndIndustry
#Alcohol #Ethyl #Isoprophyl