BREAKING: 2nd wave ng COVID-19 sa bansa, nararanasan na – DOH
NARARANASAN na ng Pilipinas ang second wave o pangalawang bugso ng new coronavirus disease (COVID-19) transmission sa bansa.
Ito’y matapos aminin mismo ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole nitong Miyerkoles (20 May 2020).
“Actually nasa second wave na po tayo. ‘Yung first wave nag-umpisa, batay po sa ating mga batikang epidemiologist, na ang first wave natin happened sometime in January—noong nagkaroon po tayo ng tatlong kaso ng mga Chinese nationals from Wuhan,” sagot ni Duque sa pagtatanong ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. sa virtual Senate hearing ng
Bagamat hindi direktibang nasabi ni Duque kung kailan nga ba nagsimula ang second wave.
“Ginagawa natin ang lahat para maflatten ‘yung epidemic curve at para magkaroon tayo ng sapat na panahon na mapaunlad at mapataas ang ating kakayahan sa sistemang pangkalusugan,” pahayag ni Duque.
Sa pagtatala ngayong araw ng DOH COVID-19 CASE BULLETIN #068 as of 4:00PM, pumalo na sa 13, 434 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus. 213 ang nadagdag ngayong araw sa mga bagong kasong nagpositibo, 68 naman ang gumaling, at 4 na bagong namatay. Nananatili ang pinakamalaking porsyento ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). | DM News | Source: CNN Philippines | Photo courtesy: DOH & RAPPLER.COM