
Pagbubukas ng gym, Internet cafes, at review centers, epektibo na sa Agosto 1
Good news para sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine sa Metro Manila.



Magbubukas na ang mga internet cafe, gym, review center sa Sabado, Agosto 1 sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine sa Metro Manila, ayon sa salaysay ng Malacañang kahapon, Hulyo 29.
Ang mga papayagang establisimiyento ay maaring makapag-operate ng 30% capacity sa mga lugar na kinabibilangan ng GCQ sa Metro Manila, ayon na rin sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Narito ang mga kategorya ng mga negosyong magbubukas;
- Testing and tutorial centers
- Review centers
- Gyms
- Sports facilities
- Internet cafes
- Establishments offering personal grooming and aesthetic services
- Pet grooming
- Drive-in cinemas
Ang Department of Trade and Industry at Department of Health ay maglalabas ng mga panuntunan para sa health protocols sa nasabing mga industriya.
“Confirmed na, decision na po ito pero effective August 1. Ang minset naman ng buong IATF ay tulungan ang Presidente para ma-reopen ang economy tsaka madagdagan ang mga trabaho, mga workers makabalik na,” sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez sa isang interbyu sa TeleRadyo.
“Yung Internet café dahil sa education at trabaho, dahil sa blended learning mga e-learning kaya inopen din ‘yun,” dagdag pa ng Kalihim.
Kapag ma-comply nila (mga negosyo) ang inilaang government restrictions ay maaring itaas ito sa 50% capacity ng operating system ng bawat establisimyento.
Samantala, ang mga business operation ng cockpits, beerhouses, at iba pang negosyo gaya ng mga restaurant na nagse-serve ng alcoholic drinks, at ang mga kids amusement industries ay mananatiling sarado sa lahat ng uri ng community quarantine na ipinatutupad sa bansa. (REX MOLINES)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
1000-Piso Polymer Banknotes, available nang mawi-withdraw sa maraming ATM’s sa bansa – BSP
Mas marami ng 1000-piso polymer banknotes ang maaaring ma-withdraw sa iba’t ibang automated teller machines (ATMs) sa buong bansa,...
Isang Baldadong lalaki sa Naic Cavite, nananawagan ng Tulong Medikal dahil sa kanyang Kondisyon
Ni Rex Molines NAIC, CAVITE: Nananawagan ngayon ng tulong ang isang concern citizen para sa kanilang kapitbahay na si sir...
HONESTY FRUIT STORE NG GWARDIYA, PATOK SA MASA
Ni Sid Samaniego NOVELETA, CAVITE: "Kumuha ka ng naaayon sa kagustuhan mo at timbangin mo ayon sa sukat na nais...
Mga Magsasaka, Ikinababahala ang imported na Sibuyas
Nababahala ngayon ang mga magsasaka ng sibuyas dahil sa pag-angkat ng imported na sibuyas ng Department of Agriculture (DA) ng...
AMERIKANONG ENGINEER, NAMAHAGI NG PAGKAIN SA MGA PRESO
Ni Sid Samaniego ROSARIO, CAVITE: Dugong-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55 anyos na Software Engineer na...
815 na Sink Hole sa Boracay, Pinangangambahan
"Nakaka-alarma" Ito ang pagsasalarawan ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron matapos makitaan ng 815 na sink hole sa isla ng...