Community News Trending Now

VIRUS NA MABILIS NA NAIPAPASA, LAGANAP NGAYON SA BANSA

[ni Rex B. Molines]

ROSARIO, Cavite — May kakaibang virus ang laganap ngayon sa bansa. Hindi ito mapipigilan ninuman kahit ano pa man ang gawin.

Alam niyo ba kung ano’ng virus ang laganap ngayon? Ito ay ang inisyatibong Community Pantry na nagsimula kamakailan lamang sa Maginhawa Quezon City hanggang sa naging viral ito sa social media at ginagawa na rin sa iba’t ibang lugar sa bansa na talaga namang malaki ang naitutulong nito para maibsan kahit paano ang kagutuman ng ating mga kapwa Pilipino lalung-lalo na ang mga nawalan ng trabaho at hanapbuhay.

Sabi pa nga ng mga Pare ng Simbahang Katolika, ito raw ay maituturing na mabuting virus na sakabila nang mga pinagdaanan natin ay namumutawi pa rin ang pagtulong ng ating mga kababayan higit ang mga nangangailangan.

Gaya na lamang sa isang komunidad sa Rosario, Cavite ay nagsagawa rin ng Community Pantry ang isang mag-anak para makatulong sa mga nangangailangan at walang kakayahang makabili ng makakain.

Sa panayam ng Diyaryo Milenyo kay Akihero Jinzai, 16 anyos, aniya, anim silang nag-organisa nito katuwang ang kanyang Mama at Papa, Tito’t Tita. Naisip nila kahapon ang inisyatibong ito sa kanilang komunidad na makapagbigay ng tulong para sa mga nangangailangan. Hindi naman sila nabigo sa kanilang magandang hangarin, at may mga tumugon para ito ay maisakatuparan.

“Thankful po kami kay God, dahil marami po agad ang tumulong sa amin para po maisagawa itong Community Pantry sa aming lugar. Sa labas po ng bahay namin ginawa po ang Community Pantry ngayong araw.” Sabi ni Akihero.

Aniya, para sa mga kabarangay nila, at sa mga nagnanais na maabutan ng kaunting tulong ayon sa pangangailangan at magbigay ayon sa kakayahan ay maari kayong magtungo sa kanilang lugar sa lokasyon na ito; Dama de Noche St. Bagbag II Rosario Cavite, mas kilala sa tawag na Double.

Sakabila nang mga pinagdadaanan nating mga Pilipino, nangingibabaw pa rin ang bayanihan natin sa isa’t isa. Isang mabuting virus ang tumama ngayon sa ating kominidad. Ang kabutihan at pagkakaisa ng mga nagbibigay ng tulong para maabutan ang mga nangangailangan.

Batid naman nating lahat na ito ay hindi sasapat para sa pang araw-araw na panganagilangan, ang inisyatibo na ito ay para makatulong maibsan kahit paano ang kagutuman ng nakararami nating kababayan.

Saludo ang Diyaryo Milenyo sa ganitong uri ng mabuting inisyatibo pang komunidad na walang hinihinging kapalit kundi ang pagkukusa, pagiging totoo at matulungin sa bawat isa. Mabuhay kayo, kaMilenyo!. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “VIRUS NA MABILIS NA NAIPAPASA, LAGANAP NGAYON SA BANSA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: