
PINUNA ni Manila City Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang national government dahil sa mabagal na deployment ng COVID-19 vaccine, sa kanyang mayoral address nitong Martes ng gabi, Mayo 11.
Dahilan nito ay ang hindi pa natatanggap ng naturang lungsod na kanyang pinamumunuan ang parte mula sa 1.5 miilion doses ng Sinovac vaccines at 2 million doses ng AstraZeneca na dumating sa bansa noong Mayo 7 at 8.
“Mukhang unreliable yung supply ng vaccine. Unreliable na yung supply sa mundo, unreliable pa pag dumating dito, kasi ang bagal,” pahayag ni Isko.
“Ako na po ang nagsasabi sa inyo, hindi po mabagal, super bagal yung deployment,” dagdag pa ng Alkalde.
“Lahat ng local government ready naman mag-deploy kasi ginagawa na natin ‘yan, e. I don’t know why is it taking so long.” pagtatakang tanong ni Isko.
“Hindi ko alam kung pinatutubuan pa nila sa kanilang mga refrigerator itong mga bakunang ito. That I don’t know.
“There must be somebody who’s going to be liable.
“If you believe that vaccination is the solution to restart the economy, bumalik sa normal ang buhay ng tao, ang bakuna hindi dapat pinatatagal kung saan-saang bodega.”
“I’m not happy. Ilang milyon na yung bakuna, nasa bodega pa rin. Yun ang bad news.
“Pero umasa kayo mga kababayan, we guarantee you, basta lumanding sa amin ang bakuna, ide-deploy natin agad.”
Isa ang lungod ng Maynila na may pinakamalaking populasyon sa Metro Manila kung kaya’t ganun na lamang din ang pag-tataka ng Alkalde ng nasabing lungsod patungkol sa mabagal na paghatid ng bakuna. #DM
0 comments on “Isko, dismayado sa mabagal na pag-deploy ng COVID-19 vaccines”