Android Earthquake Alerts System, inilunsad ng Google company sa Pinas

Read Time:1 Minute, 32 Second

[ni Rex Molines]

Inilunsad ng Google company ang earthquake alerts system feature gamit ang Android mobile devices kung saan ay kaya nitong mabatid ang paparating na lindol sa bansa, ayon kay Google Philippines country director Bernadette Nacario.

Aniya, ang accelerometers sa aktibong Android smartphones ay may kakayahang ma-detect ang seismic activities na bahagi ng kanilang misyon upang magdala ng mga kapaki-pakinabang na mga produkto at serbisyo sa bawat Pilipino.

Advertisement

“Our country, being located in the Pacific Ring of Fire, is prone to natural calamities and this update will play an important role in disaster preparedness and risk reduction,” saad ni Nacario.

“Our smartphones are indispensable in moments of crisis. We believe Android devices can help people be prepared and stay connected in times of need. We will continue to partner with the government, public safety officials and leading crisis response experts to better surface relevant information in times of adversities,” dagdag pa ni Nacario.

Una itong inilunsad sa United States, Greece at New Zealand, ang Android Earthquake Alerts System ay nagagawa nitong maging alerto ang bawat tao sa mga aktibong semistiko na mabilis na makikita sa Google Search o sa Android mobile device.

Sa paggamit nito, kailangan lamang itype ng mga user ang “earthquake” o “earthquake near me” sa Google search, mababatid agad ang resulta nito na makatutulong ng malaki para sa lahat at kung ano ang dapat gawin matapos ang paglindol.

Agad na magno-notify ang warning alert nito kung sakaling ma-detect ng accelerometers ang paparating na lindol sa partikular na lugar.

May dalawang klase ng Android Earth Alert System displays para mabatid ang lagay ng lindol, ang magnitude at intensity level ng lindol na may sukat na 4.5 o 3-4 intensity level na pinapadala naman ang notification nito kasama ang distansya ng lindol sa naturang app ng Google. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post “Walang Edad ang Edukasyon,” 62 anyos na lola, graduate ng junior high school sa ALS
Next post Pedicab Driver sa Rosario, Cavite na putol ang kaliwang paa, agaw pansin sa mga pasahero
%d bloggers like this: