NEWS PROVINCIAL

Mayor Ampatuan umapela sa mga residente ng LGU-Shariff Aguak na magpabakuna

SHARIFF AGUAK, Maguindanao --- Umaapela si Mayor Marop Ampatuan sa mga mamamayan ng bayan na ito na sunggaban nila ang oportunidad para sa libreng bakuna kontra sa nakakamatay na COVID-19 na sakit, kung saan kumitil na ng buhay ng libo-libong mga pinoy sa ibat-ibang mga bahagi ng bansa.

[by RASHID RH. BAJO with reports from ABDUL CAMPUA/Photo credit to Jocris Barroga]

SHARIFF AGUAK, Maguindanao — Umaapela si Mayor Marop Ampatuan sa mga mamamayan ng bayan na ito na sunggaban nila ang oportunidad para sa libreng bakuna kontra sa nakakamatay na COVID-19 na sakit, kung saan kumitil na ng buhay ng libo-libong mga pinoy sa ibat-ibang mga bahagi ng bansa.

“Magpabakuna na po tayo dahil ito lang ang paraan para maging ligtas tayo sa panganib na dala ng COVID-19. Wala po kayong dapat ikatakot sa bakuna dahil nagsisilbi itong epektibo na depensa laban sa COVID-19,” apela ni Mayor Ampatuan.

Ginawa ni Mayor Ampatuan ang nasabing apela nito sa mga residente ng bayan ng Shariff Aguak noong umaga ng June 1, 2021, kung saan ginanap ang “vaccination program” sa covered court ng munisipyo.

Ayon kay Mayor Ampatuan, ang nasabing apela nito ay para doon sa mga kababayan nito na nagdadalawang-isip (or kabado) na magpabakuna dahil sa mga kumakalat na mga “haka-haka” na walang basehan at mga maling impormasyon.

Sinabi ni Mayor Ampatuan na dapat ikonsidera ng mga residente ang kaligtasan nila at ng kanilang mga pamilya.

Sa nasabing vaccination program, pinangunahan ni Mayor Ampatuan, mga opisyal ng Shariff Aguak at mga opisyal ng ibat-ibang mga barangay nito upang ipakita sa mga tao na kahit sila ay handa at hindi natatakot na magpabakuna.

Ayon kay Mayor Ampatuan, mismo ang gobyerno natin ang nanghihikayat na magpabakuna ang mga tao, kasama ang mga opisyal.

“Wala tayong dapat ikatakot dahil mismo ang gobyerno natin ang nagsasabi na ligtas ang bakuna at kinakailangan ito upang ma-protektahan tayo laban sa COVID-19,” sabi ni Mayor Ampatuan.

Mismo ang provincial health officer ng Maguindanao Integrated Provincial Health Office na si Dra. Elizabeth Samama ay hinihikayat din ang mga tao na magpabakuna para sa kanilang proteksyon laban sa COVID-19.

Ayon sa isang health frontliner ng Shariff Aguak, matagumpay na naidaos ang nasabing vaccination program na walang nangyaring aberya sa mga nabakunahan na mga residente. 

Target ng vaccination rool out ng nasabing bayan na bakunahan ang 150 katao ng araw na yun. #DM

Advertisement

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Mayor Ampatuan umapela sa mga residente ng LGU-Shariff Aguak na magpabakuna

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: