Sementadong–highway project ng DPWH sa probinsya ng Sultan Kudarat na nagdudugtong sa Region 11 at 12 nagbibigay ng magandang–serbisyo, tulong sa mga residente
[by RASHID RH. BAJO/Photo screenshot from the video posted by DPWH XII in its official Facebook page]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!KORONADAL CITY, Philippines –– Umani ng mga papuri mula sa mga residente ang 16.40–kilometro na “alternate road network” project na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Region 12, partikular na sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Sa report na ipinalabas ng regional office ng DPWH XII na nakabase sa Koronadal City, sinabi nito na ang nasabing alternatibong–rota na “Koronadal–Lutayan–Columbio–Matanao Road” ay magdudugtong sa Region 12 at Region 11.
Ang nasabing road network ay bahagi ng “Build,Build,Build” na programa ng gobyerno na ipinatupad ng DPWH sa ilalim ng pamamahala ni Secretary Mark Villar.
Ang isa sa nasabing mga residente na nagpatunay sa benepisyong–hatid ng nasabing “road network project” ng DPWH sa probinsya ng Sultan Kudarat ay si Mrs. Vilma Esmana.
Ayon kay Mrs. Esmana, “malaki” ang “naitulong” ng nasabing proyekto ng DPWH sa kanilang pamumuhay dahil gumanda ang daloy ng kanilang mga kabuhayan at bumilis ang transportasyon ng mga agrikulturang–produkto mula sa kanilang lugar hanggang sa sentro ng mga merkado.
“Umunlad ang aming mga kabuhayan dito,” sabi ni Mrs. Esmana. “Salamat DPWH! Mabuhay po kayo!” giit pa nito. #DM
You must be logged in to post a comment.