
Pinahintulutan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagtanggap ng walk-ins para sa pagbabakuna basta sumunod at panatilihin ang minimum public health standards sa mga COVID-19 vaccination site.
Tinugunan ito ni DILG Assistant Secretary Odilon Pasaraba na may kaugnayan sa pagpapatupad ni Manila City Mayor Isko Moreno na kanilang binigyang pagkakagtaon ang patanggap ng walk-ins para magpabakuna matapos na hindi tanggapin ang walk-ins sa apat na vaccination sites dahil sa paglilimita ng pagbibigay bakuna para sa mga nakarehistro na.
Batay sa datos mula sa Manila Public Information Office, 4,402 indibidwal ang nabakunahan bago pa man payagan ang pagtanggap ng walk-ins nitong Hunyo 21.
Sa makatuwid, mula nang simulan ang pagtanggap ng walk-ins para magpabakuna sa magkaparehong araw na iyon, nadagdagan ito ng 7,347 indibwal na nabakunahan na may kabuuang bilang na 11,749.
Inaasahan na makakapagbakuna sa 58 milyong indibidwal o 70% ng populasyon sa Metro Manila, at kalapit probinsya nito, Metro Cebu, at Metro Davao upang makamit ang herd immunity sa mga lugar na ito. #DM
0 comments on “Walk-ins sa mga COVID-19 vaccination site, OK’s sa DILG”