Banner Story NATIONAL PULITIKA

Robredo, pinuna ang suhestiyon ni Dutere sa pagbibigay armas para sa mga boluntaryong sibilyan

Pinuna ni Bise Presidente Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa "fear based" approach na pamamahala ni Duterte, na sinasabing hindi ito epektibong paraan sa pamumuno sa mamamayan.

image: Yahoo!

Pinuna ni Bise Presidente Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa “fear based” approach na pamamahala ni Duterte, na sinasabing hindi ito epektibong paraan sa pamumuno sa mamamayan.

Sa kanyang lingguhang radio program, binanggit ni Robredo ang mungkahi ni Duterte na magbigay ng baril o armas sa mga anti-crime volunteers na sibilyan bilang pahiwatig ng fear-based na pamumuno.

“Kasi kapag parang ‘subject’ na kailangan sumunod sa order. Kapag ‘di kayo sumunod makukulong kayo o  pwedeng may harm na mangyari sa inyo. Parang laging nag-o-operate tayo sa takot kapag ganyan, at para sa akin hindi effective,” pahayag ni Bise Presidente Robredo.

Aniya, lalabagin ng ilan ang batas at dun lamang magbabase sa kung paanong pagtugon sa paghuli sa mga nagkasala. Ngunit hindi lahat ng mamamayan ay violators o lumalabag sa batas, dagdag pa ni Robredo.

“Yung sa’kin kasi pag-aarmas ang laking responsibility niyan. Ang laking accountability at hindi basta-basta kasi yung parang espasyo sa pang-aabuso ang laki — yung risk ang laki” ani Robredo.

Lumutang ang ideya ng pagbibigay armas sa mga volunteers na makatutulong sa paghuli sa mga kriminal nang ilunsad ang Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers.

Sinabi naman ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar nitong Linggo [June 27] na ang pagbibigay armas sa mga boluntaryong sibilyan ay mungkahi lamang ni Pangulong Duterte para sa kanilang proteksyon. #DM

0 comments on “Robredo, pinuna ang suhestiyon ni Dutere sa pagbibigay armas para sa mga boluntaryong sibilyan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: