Photo News PROVINCIAL

Dra. Elizabeth Samama umapela uli sa mga taga-Maguindanao na magpabakuna na

SULTAN SA BARONGIS, Maguindanao (BARMM) --- Sa ikalawang pagkakataon, umapela uli ang hepe ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng probinsya ng Maguindanao sa mga residente na magpabakuna na dahil ito ay para rin sa kanilang kaligtasan laban sa nakakamatay na COVID-19 na sakit.

[by ABDUL CAMPUA]

SULTAN SA BARONGIS, Maguindanao (BARMM) — Sa ikalawang pagkakataon, umapela uli ang hepe ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng probinsya ng Maguindanao sa mga residente na magpabakuna na dahil ito ay para rin sa kanilang kaligtasan laban sa nakakamatay na COVID-19 na sakit.

“Magpabakuna na po tayo. Huwag po kayong matakot sa bakuna. Ang bakuna po ay para sa inyong kaligtasan at proteksyon laban sa COVID-19,” apela ni Dra. Elizabeth Samama, hepe ng IPHO-Maguindanao.

Ginawa ni Dra. Samama ang pag-apela uli sa mga tao sa kalagitnaan ng “Roll Out Vaccination” sa bayan na ito.

Maalala na noong June 1, 2021, sa bayan ng Shariff Aguak unang nag-apela si Dra. Samama, kung saan pinangunahan ni Mayor Marop Ampatuan ang pagpapabakuna.

Kasamang nagpabakuna ni Mayor Ampatuan ang lahat rin na mga opisyal ng Shariff Aguak, kung saan karmaihan sa kanila ay mga kapitan ng mga barangay doon.

Sa interbyu sa kanya doon, sinabi ni Dra. Samama na “as of May 31, 2021” mahigit 8,000 na ang nabakunahan sa boung probinsya ng Maguindanao.

Ayon kay Dra. Samama, ang malawakang bakuna ay isang paraan ng gobyerno para mapigilan pa ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa boung bansa.

Naniniwala si Dra. Samama  na pag marami na ang nabakunahan sa probinsya, tiyak nito na bababa na ang mga kaso ng COVID-19 dahil hihina na ang level ng pagkalat ng nasabing sakit.

Ayon sa kanya, kung ang lahat ay bakunado na, wala ng lilitaw na kaso dahil lahat ay may proteksyon na laban sa nasabing sakit na pumatay na ng milyon-milyong katao sa ibat-ibang panig ng mundo, kasama na ang bansang-Pilipinas.

Maging si LGU-SSB Mayor Mamatanto Mamantal ay umapela rin sa lahat ng mga residente ng kanyang bayan na magpabakuna na upang mabigyan sila ng proteksyon laban sa COVID-19.

Ang kanyang first lady na si Bai Endirah Mamantal ay umapela rin sa mga kababaihan doon na hikayatin ang kanilang mga mister at iba pang mga miyembro ng kanilang pamilya na sungggaban ang libreng bakuna ng gobyerno. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Dra. Elizabeth Samama umapela uli sa mga taga-Maguindanao na magpabakuna na

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: