[by Athena Yap]

Isinilang na ng public figure na si Joyce Pring ang kauna-unahang anak nila ni Juancho Trivino nitong ikalawang araw lamang ng July.
Masayang ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang Instagram ang panibagong yugto sa kanilang marriage. Finally ay ganap na silang mommy and daddy.
Unang nagbahagi si Juancho na obvious kung gaano siya ka-fullfilled nang marinig ang iyak ng kanilang baby boy.
“From seeing Joyce my love deliver (literally froze me to death), hearing our baby cry for the first time (took my breath away) and held him in my arms for the first time (couldnt stop looking at him),” padedetalye ni Juancho sa eskasktong eksena nang manganak ang misis niya.
Gayundin si Joyce na may mensahe sa kanilang unico hijo.
“Here you finally are, cradled in my arms, taking Mama and Dada’s breath with every coo, every movement, ever little magic thing about you,” paglalahad naman ni Joyce.
Alonso Eliam Pring Trivino ang ipinangalan nila sa kanilang baby boy na mainit na winelcome din sa comment section ng mga kaibigan nila Joyce at Juancho.
Matatandaang ikinasal ang celebrity couple noong February 2020.
0 comments on “JOYCE PRING, NANGANAK NA!”