Banner Story NEWS PULITIKA

P6.49-B funds sa ilalim ng Bayanihan 2 hindi nagamit; Robredo nalungkot

Nalungkot si Bise Presidente Leni Robredo sa bilyun-bilyong pisong pondo na hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan 2 hanggang sa ito ay mapaso nitong nakaraang Linggo.

File image

Nalungkot si Bise Presidente Leni Robredo sa bilyun-bilyong pisong pondo na hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan 2 hanggang sa ito ay mapaso nitong nakaraang Linggo.

Advertisement

Sa kanyang weekly radio show, sinabi ni Robredo na ang national government ay dapat naipamahagi ang pondo para sa lahat ng makikinabang nito sa ilalim ng Bayanihan 2 upang mapalakas ang pagresponde sa pandemya sa bansa.

Napaso ang Bayanihan 2 nitong June 30 na may unused funds na nagkakahalaga ng P6.49 billion, ayon sa Department of Budget and Management.

“Sobrang sayang na marami na sanang natulungan na mga magsasaka, mga manggagawa, ‘yong mga health workers, ‘yong mga kailangan ng mga health institutions natin tapos hindi nagamit,” saad ni Robredo.

“Kapag nakita mo ‘yong ganito na ang laking pera tapos parang hindi pinahahalagahan, hindi nagastos, sayang kasi ang dami na mag-be-benefit sana,” dagdag pa ni Robredo.

Sinabi pa ni Robredo kung ipinagkatiwala sa kanyang tanggapan ang hindi nagamit na pondo, mas marami pa sila sanang matutulungan lalung-lalo na sa pagharap ng COVID-19 testing capacity sa bansa.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Bayanihan 2 or Republic Act 11494 noong Setiyembre 2020.

Samantala, ang Bayanihan 3 ay inaprubahan naman ng House of Representatives sa ikatlo at final reading nito, na maglalaan ng P401 billion worth of interventions para matugunan ang pagtulong sa mga Pilipino sa pagharap mula sa COVID-19 pandemic. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “P6.49-B funds sa ilalim ng Bayanihan 2 hindi nagamit; Robredo nalungkot

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: