Banner Story NATIONAL NEWS

Mahigit 1 milyong Pinoy makatatanggap na ng National ID cards

MANILA, Philippines -- Mahigit 1 million national ID cards ang una nang naimprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas at handa na itong ipadala sa Philippine Postal Corp. (PHLPost), ang opisyal na delivery partner ng Philippine Identification System (PhilSys).

MANILA, Philippines — Mahigit 1 million national ID cards ang una nang naimprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas at handa na itong ipadala sa Philippine Postal Corp. (PHLPost), ang opisyal na delivery partner ng Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon kay National statistician Dennis Mapa, nasa 1.022 million national ID cards ang handa nang ipadala sa PHLPost.

Aniya, bilang project implementor ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay patuloy ang kanilang rollout sa ikatlo at huling hakbang para sa national ID system, na kinabibilangan sa pag-isyu ng PhilSys number at paghahatid ng physical ID cards sa mga nakapag-rehistro na.

“This is yet another huge step forward for the PhilSys. We are also expecting an increase in the cards we will release and deliver in the coming weeks as we ramp up our operations,” saad ni Mapa.

Ang PHLPost ang naghahatid ng national ID cards kada araw, sa pagtatala, nasa 320,000 registrants na ang nakatanggap nito.

Pinapaalalahanan naman ang mga Registrants na ingatan ang nakapaloob na liham kalakip ang ID receipt dahil ito ay naglalaman ng confidential information.

Para maprotektahan ang PhilSys number sa pag-transact, kailangan lamang gamitin ang PhilSys Card Number, na naka-imprenta sa harap na bahagi ng ID card.

Hinimok naman ng PSA ang government agencies at private establishments na kilalanin ang paggamit ng national ID cards bilang valid proof ng pagkakakilanlan ng indibidwal sa bawat transaksyon na gagawin.

Sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan at mga community establishments gaya ng mga mall ay maaring magparehistro para sa mas maraming Pilipino na makakuha rin ng naturang ID.

Inaasahan na 70 million ang makakapag-rehistro bago matapos ang taon. At bago matapos naman ang taong 2022, 92 million na mga Pilipino ang inaasahang makakapag-rehistro sa PhilSys. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Mahigit 1 milyong Pinoy makatatanggap na ng National ID cards

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: