
Nakaambang Oil-Price hike ngayong linggo

Tataas na naman ang presyo ng ilang mga produktong petrolyo sa susunod na mga araw.
Sa pagtataya ng Unioil Petroleum Philippines, inaasahang magkakaroon ng taas-singil sa gas at diesel. Aniya, aabot sa P0.30 hanggang P0.40 ang taas-presyo sa diesel sa susunod na linggo.
Posible namang umabot sa P0.10 hanggang P0.20 ang taas-presyo sa gasolina.
Ayon sa Department of Energy (DOE), mula July 13 ay umabot na sa P1.15 kada litro ng gasolina ang naipapataw na dagdag-singil; P0.60 kada litro sa diesl; at P0.65 kada litro sa Kerosene.
Nagbigay paliwanag naman ang mga oil company, anila, mataas pa rin ang presyo ng krudo sa oil market dahil sa lumalaking demand.
Ayon pa rin sa DOE, P13.50 kada litro na ang naidagdag sa presyo ng gasolina ngayong 2021; P0.60 sa diesel, at P9.00 sa kerosene.
Samatanla, wala namang nabanggit na taas-presyo sa kerosene.