Photo News PROVINCIAL

270 na mga bata nakatanggap ng mga libreng–serbisyo mula sa “1st Barangayanihan Kapatid” ng PNP–1st SKPMFC sa probinsya ng Sultan Kudarat

SULTAN KUDARAT (R12), Philippines –– Umabot sa 270 na mga bata sa dalawang malayo na mga barangay sa bayan ng Columbio sa probinsya ng Sultan Kudarat ang nakatanggap ng libreng mga serbisyo mula sa 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company (1st SKPMFC) sa ilalim ng kanyang programa na “1st Barangayanihan Kapatid,” kung saan ang layunin nito ay mas lalo pang palakasin ang koneksyon ng gobyerno, sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP), sa mga komunidad.

[by RASHID RH. BAJO with reports and photos from PNP–1st SKPMFC PRESS RELEASE]

SULTAN KUDARAT (R12), Philippines –– Umabot sa 270 na mga bata sa dalawang malayo na mga barangay sa bayan ng Columbio sa probinsya ng Sultan Kudarat ang nakatanggap ng libreng mga serbisyo mula sa 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company (1st SKPMFC) sa ilalim ng kanyang programa na “1st Barangayanihan Kapatid,” kung saan ang layunin nito ay mas lalo pang palakasin ang koneksyon ng gobyerno, sa pamamagitan ng Philippine National Police (PNP), sa mga komunidad.

Ayon sa press statement na pinadala ng 1st SKPMFC sa Diyaryo Milenyo, ginanap ang nasabing programa nito noong July 22-23, 2021 sa mga barangay ng Natividad at Eday sa bayan ng Columbio, kung saan umabot sa 270 na mga kabataan ang nakatanggap ng mga libreng–serbisyo, tulad ng feeding, tuli at gupit.

Kasama ng 1st SKPMFC, sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Hoover T. Antonio, ang tropa ng 1202nd MC, RMFB12, sa ilalim ng superbisyon ni Police Major Richard Pabalinas, Charlie Coy, 39th IB, Philippine Army, sa pangunguna ni 1st Lieutenant Hercules Marabe, Makasining Lahi of  Tacurong, sa pangunguna ni President Jonathan Pedrones at ng 1st SKPMFC Advisory Council, sa ilalim ng pamamahala ni Sandy E. Hiso sa pagsagawa ng nasabing sunod–sunod aktibidades doon.

Pinasalamatan naman ni Colonel Antonio ang presenya at patuloy na suporta na ibinibigay ni Columbio Municipal Councilor Datu Zahir Mamalinta, Al-Haj, kung saan ang siyang tserman ng Committee on Peace and Order.

Ayon kay Colonel Antonio, ang 1st SKPMFC ay laging handa upang pagsilbihan ang mga komunidad ng probinsya sa abot ng makakaya nito sa tulong ng ibat–ibang mga sektor.

“Kahit malayo, pupuntahan namin dahil ang prayoridad namin ay ilapit ang gobyerno sa malalayong mga komunidad upang maramdaman nila na may gobyernong handa silang tulungan sa kanilang mga problema at bigyan ng mga serbisyong nararapat sa kanila,” sabi ni Colonel Antonio.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng community outreach na programa ng PNP–1st SKPMFC at bilang suporta at pakikiiisa nito sa 26th Police Community Relations Month na ang tema ay “Pulisya at Pamayanan, Barangayanihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen”. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “270 na mga bata nakatanggap ng mga libreng–serbisyo mula sa “1st Barangayanihan Kapatid” ng PNP–1st SKPMFC sa probinsya ng Sultan Kudarat

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: