
DOH, nakapagtala ng highest COVID-19 cases ngayong araw sa bilang na 19,441
Nakapagtala nang pinakamataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa 19,441 ngayong Sabado, ayon sa Department of Health (DOH).
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Kaya naman, sumipa ang kabuuang kaso sa bansa sa 1,935,700 million, nasa 142,679 naman ang aktibong kaso.
97.3 porsyento ng active cases ay mild at asymptomatic cases, 1 porsyento nito ay moderate, at ang natitira ay severe o critical cases.
Iniulat din ng DOH ang high positivity rate sa 27.5 porsyento.
1,760,013 million recoveries naman ang naitala, kabilang dito ang 19,191 na mga bagong gumaling sa virus.
Nakapagtala naman ng 167 bagong mga nasawi sa virus, umakyat na sa 33,008 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa virus sa bansa.
Nasa 74 porsyento ang occupancy rate para sa COVID-19 patients sa intensive care units (ICUs), nasa 70 porsyento naman sa wards, at 63 porsyento naman sa isolation ayon sa pagkakabanggit. #DM