[Ni Sid Luna Samaniego]

Panahon na naman ngayon ng santol. Dagsa ang saku-sako sa pamilihan. Bagsak sa 20 pesos per kilo ang presyo nito sa merkado.
Kaya naman, sinasamantala ito ni Lolito Serna ng Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite. Labing-limang taon ng naglalako ng prutas at gulay. Paglalako ng santol, gamit ang kariton ang kanyang istilo sa pagtitinda.


Dito niya binubuhay ang kanyang asawa’t dalawang anak. Mga factory workers sa EPZA ang karamihan sa kanyang mga suki. Isang libong piso ang pangkaraniwang kita niya sa maghapon.

Sinasabing ang nilagang dahon at balat ng puno ng santol ay mabisang gamot sa lagnat, bagong panganak, pagtatae, at buni.
Dalawang uri ng santol ang pangkaraniwang nabibili sa merkado. Isang native at isang bangkok. #DM
0 comments on “SANTOL KAYO ‘DYAN!”