Photo News Trending Now

Paglalako ng binatog, sulit at busog

Gamit ang kanyang lumang bisikleta, bitbit ang masarap na binatog o bualaw, sabay sa kalembang na sadyang nakakatawag pansin sa atin, hudyat na may parating na nagtitinda ng binatog.

[Ni Sid Luna Samaniego]

Gamit ang kanyang lumang bisikleta, bitbit ang masarap na binatog o bualaw, sabay sa kalembang na sadyang nakakatawag pansin sa atin, hudyat na may parating na nagtitinda ng binatog.

Siya si Marvin Tanique Cruz, may asawa at 5 anak, 39 taong gulang. Halos 14 na taon ng naglalako ng binatog sa Rosario, Cavite. Taong 2007 nang mag-umpisa siyang magtinda nito. Maganda ang kitaan dito, basta matiyaga ka lamang at tiyak na ang kita mo dito.

Kilala na si Marvin sa pagtitinda ng binatog kaya naman marami na siyang suki. Kahit hindi niya paingayin ang kalembang niyang dala, alam na ng kanyang mga suki ang oras ng paglalako sa kanilang lugar. Kaya madalas ay inaabangan na siya nito.

Masarap na meryenda ito sa umaga man o sa hapon. Mainit-init pa kapag iyong kinain.

Ang binatog o bualaw ay hango sa nilagang mga butil ng mais na madalas kinakain na may kasamang kinayod na murang niyog at asin.

Habang ang iba ay mas gusto ang malapot ng gatas na may halong kinayod na murang niyog.

Kung dati-rati ay sa mga kalye mo lang makikita ang binatog, sa ngayon ay nabibili na ito sa mga malls. Kumikita si Marvin ng halagang 600 bawat araw. Sapat na para ipangtustos niya sa kanyang pamilyang nasa Pangasinan. Mahaba pa ang oras para sa paglalako. Kasing haba ng alingawngaw ng kanyang kalembang sa tuwing ito ay kanyang pinapatunog. Marami pang bata’t matatanda ang aliw na aliw sa paninda niyang dala. Kasing dami ng mga suking laging sabik na matikman ang binatog niyang tinda.

Sa tinda mong binatog tiyak ang tiyan namin ay busog. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Paglalako ng binatog, sulit at busog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: