Monorail project na magdurugtong sa EDSA-Taft at Diokno Boulevard sa Pasay City, isasagawa
Karamihan sa mga mananakay na nagtutungo at pumapasok sa central business park sa Pasay City ay hirap itong mapuntahan dahil na rin sa matinding trapiko sa kahabaan ng EDSA araw-araw. Ngunit, tila ito ay magwawakas na dahil sa itatayong monorail project sa naturang lungsod a hinaharap.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Sa mga pag-uulat, ang Department of Transportation (DOTr) ay pumirma sa isang kasunduan o memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Pasay City local government na makapagpatayo ng Integrated Pasay Monorail na magdurugtong sa corner ng EDSA at Taft Avenue patungong Diokno Boulevard sa Pasay City.
Ang naturang corner ng EDSA at Taft ay ang dalawang istasyon sa Metro Manila na kumukonekta sa endpoint ng MRT-3 line at intersection ng LRT-1.
Ang itatayong bagong monorail ay makatutulong para sa mga commuter na mapadali ang kanilang pagbiyahe patungong Pasay City, na sinabi rin ng DOTr na ito ay integrated at interoperable sa mga existing rail lines, pati na rin sa EDSA Busway at EDSA Greenways project.
Sakop din ng MOA ang konstruksyon sa EDSA-Tramo Flyover Entension Project. Wala pang timeline kung kailan magsisimula ang konstruksyon sa nasabing proyektong ito. #DM
Source:
blob:https://www.facebook.com/67311f20-57ca-4f28-9f5b-64a6e5bd0ba9
You must be logged in to post a comment.