NATIONAL NEWS AND TRENDS PULITIKA

Moreno, pinipiling mapabilang si Pangulong Duterte sa Senatorial line up nito sa 2022 Eleksyon

Nagpahayag ng suporta si Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso na nais nitong mapabilang sa kanyang senatorial lineup si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ikaapat na iniendorso niyang Senador para sa 2022 Eleksyon.

IMAGE: cebudailynews.inquirer.net

Nagpahayag ng suporta si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nais nitong mapabilang sa kanyang senatorial lineup si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ikaapat na iniendorso niyang Senador para sa 2022 Eleksyon.

“Kung dati, sinasabi kong tatlo lang ang senador ko kaya siyam na lang ang proproblemahin niyo, ngayon ang sasabihin ko, walo na lang ang pag-iisipan niyo dahil may pang-apat na akong kandidato, si Pangulong Duterte,” saad ni Domagoso sa kanyang “listening tour” sa Lapu-Lapus City sa Cebu.

“I will personally vote for President Duterte for senator. And I will be grateful, honored, and humbled to have somebody like the president in our slate as an additional candidate for senator. And I think he is very much capable of doing the job as a legislator,” dagdag pa ni Domagoso.

Binigyang-diin ni Domagoso na ang mga naiambag ni Pangulong Duterte sa lipunan ay ang pagpapatuloy at pagsasakatuparan ng “Build, Build, Build” initiative nito sa pagpapaayos, pagpapaganda at pagpapalawig ng mga tulay, mga pangunahing kalsada at mga imprastruktura sa bansa at ang pagbubukas ng maraming trabaho para sa mga Pilipinong nawalan ng hanapbuhay sakabila ng nagpapatuloy na pandemya.

Pinuri rin ni Domagoso si Pangulong Duterte sa tatlong araw na “Bayanihan Bakunahan” nagpalista sa mga serbisyo ng mga bakuna mula sa mga lungsod gaya ng Maynila na lumampas na sa target na 70 porsiyento ng populasyon nito.

“Let’s give credit where credit is due. President Duterte has so many accomplishments. And I believe that he can be an effective senator since through legislation, he can ensure that his legacy will be institutionalized,” saad ni Domagoso.

Sinabi rin ni Domagoso na ipinaaabot niya ang alok na ito kay Duterte kasunod ng desisyon ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go matapos bawain nito ang kanyang kandidatura sa pampanguluhang pagtakbo.

“Ayoko namang pangunahan ang pangulo. Malaya naman siyang makapamili kung saan niya gustong sumama. Pero it is definitely an honor for me if the President will accept my invitation for him to be an adopted senatorial candidate of Aksyon Demokratiko,” ani Domagoso.

Samantala, kinabibilangan ng partido ni Domagoso sina Senate civic leader Samira Gutoc, registered nurse and entrepreneur Carl Balita, at former Quezon City councilor and National Housing Authority general manager Jopet Sison. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Moreno, pinipiling mapabilang si Pangulong Duterte sa Senatorial line up nito sa 2022 Eleksyon

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: