[by April Canoneo]
MAGUINDANAO, BARMM, Dec. 18, 2021 — Patuloy ang pagbuhos ng mga tulong, mga suporta at mga proyekto ng regional government ng BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao) sa mga sakop nitong local government units.
Ang BARMM ay nasa ilalim ng liderato ni Chief Minister Ahod Ebrahim.
Kamakailan lang, pormal na pinirmahan nila BARMM–MILG (Ministry of Interior and Local Government) Minister Atty. Naguib Sinarimbo at Mayor Midpantao Midtimbang ng LGU-Guindulungan sa probinsya ng Maguindanao ang isang “MOA)” (Memorandum of Agreement).

Ayon sa report na pinoste ng LGU-Guindulungan sa FB, sinabi nito doon na ang nasabing MOA ay “naglalayong isakatuparan ang kauna-unahang Integrated Bus Terminal sa Probinsya ng Maguindanao na itatayo sa Bayan ng Guindulungan.
“Pagkatapos ng “signing ceremony” ay nagpasalamat si Mayor Midtimbang dahil nabigyan ang kanyang bayan ng proyekto na sa tingin nito “magsusulong sa antas ng kabuhayan, magbibigay ginhawa at magpapabilis ng transportasyon.” ###
(PHOTO FROM LGU-GUINDULUNGAN FB)
0 comments on “MOA para sa “Integrated Transport Terminal” sa gitna ng BARMM-MILG at LGU-Guindulungan napirmahan na”