ESPESYAL Sid Samaniego Vlogger

SIKAT NA LGBT VLOGGER SA AMERIKA, PINURI NG MGA TAGA-ROSARIO

[ni Sid Samaniego]

ROSARIO, CAVITE — Isang sikat na LGBT Vlogger sa Amerika ang pinuri ng mamamayan ng Rosario dahil sa mga konteksto nito sa pagtulong sa kapwa.

Si Anthony “Angela Algie” Llacuna Barrogo, 45 taong gulang, isang Vlogger na nakabase sa Nashville Tennessee, USA. Na kasalukuyang nagbabakasyon ngayon sa kanyang bagong gawang bahay sa Brgy. Sapa 1 ng bayan na ito.

Dahil ang kontent ng kanyang mga bidyo ay ang pagtulong sa kapwa, marami ang humanga at pumuri, partikular na ang mga taga-Rosario.

Si Angela ay ipinanganak sa Balingasag, Misamis Oriental noong Hulyo 13, 1976.

Taong 1992 ng manirahan ang kanyang buong pamilya sa Rosario, Cavite.

Bata pa lamang, alam nya na kung anong pagkatao meron sya dahil sa pagkahilig niya sa mga manika at kasuotang pambabae. Bagamat katawang lalaki siya ay pusong babae naman ang nananalatay sa kanyang pagkatao.

Bunso siya sa 7 magkakapatid. Namulat sa hirap ng buhay. Kaya maging ang pag-aaral niya sa kolehiyo sa PUP Sta. Mesa ay nahinto.

Nagtrabaho siya sa pabrika sa Epza Cavite tulad ng K.I.P mula 1994 hanggang 1998. Lumipat siya ng kumpanyang JU-YOUNG ELEC PHILS mula taong 2000 hanggang 2007 bilang isang Production Recorder.

Sa pagbulusok ng mga call center sa bansa, nabigyan siya ng pagkakataon na magtrabaho bilang isang call center agent sa Ortigas mula 2007 hanggang 2014. At dito na nga niya nakilala ang kanyang napangasawa na isang Retired US Air Force na si Robert Algie. Ikinasal sila noong Marso 10, 2016 sa Amerika.

Taong 2019 ng subukan niyang gumawa ng Fan Page sa Facebook at tinawag niya itong “Makulay na Buhay USA”.

Sa paglipas ng panahon, unti-unting nakilala ang isang “Angela Algie” na nasa likod ng sikat na, Makulay na Buhay USA.

Kasalukuyang Permanent Resident, Green Card holder na si Angela. At anim na taon ng naninirahan sa Amerika.

Nang dahil sa kanyang Vlog ay kumikita na siya, kaya naman ipinagpagawa niya ng bahay ang kanyang ina, kapiling ang kanyang mga kapatid.

Sa ngayon, mayroon na siyang 507,266 followers. ###

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “SIKAT NA LGBT VLOGGER SA AMERIKA, PINURI NG MGA TAGA-ROSARIO

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: