fbpx
Thursday, May 2, 2024
Visita Iglesia 2024: 3 sa 7 Makasaysayang Simbahan sa lalawigan ng Cavite

Visita Iglesia 2024: 3 sa 7 Makasaysayang Simbahan sa lalawigan ng Cavite

2 0
Read Time:6 Minute, 19 Second

Kumusta, KaMilenyos? Paano ka naghahanda ngayong Semana Santa? Mainam siguro na maka-bisita tayo ngayong Mahal na Araw sa mga makasaysayang Simbahan sa ating bansa. Kaya naman, minabuti ng Diyaryo Milenyo na mag-visita iglesia sa ilang makasaysayan na Simbahan sa lalawigan ng Cavite.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

 

Mahalaga ang makapag-visita iglesia tayong mga buhay sa pananampalatayang Katoliko sa pitong Simbahan na nais nating puntahan ng may kabuluhan at makapag-nilay-nilay sa ating buhay at ipagpasalamat ang mga natatanggap natin mula sa Maykapal. Narito ang pitong Simbahan na aming binisita. Una nga sa aming listahan ay bisitahin ang Diocesan Shrine of the Immaculate Conception sa bayan ng Naic, Cavite.

 

 

  1. Diocesan Shrine of Immaculate Conception Parish Church – Naic, Cavite

Biyaya na maituturing ang pagpunta ng Diyaryo Milenyo sa Naic Church dahil naabutan namin ang isinasagawang misa para sa mga naglilingkod sa simbahan ng Naic.

Makasaysayan ang simbahang ng Naic. Itinayo ito noong 1800’s at kilala sa arkitekturang earthquake baroque at gothic revival. Noong panahon ng rebolusyon, ginamit ang kumbento bilang punong tanggapan ni andres bonifacio pagkatapos ng Tejeros Convention noong Marso 22, 1897. Dito rin pinalitan ang lumang simbolo ng watawat ng pilipinas ng “Sun of Liberty” na may walong sinag. Matapos ang maraming taon, noong 2014, isinagawa naman ang panunumbalik ng simbahan. Dagdag sa pagbabago nito ang mga klasikal na estilo ng mosaic sa sahig malapit sa altar. Ang Diocesan Shrine of the Immaculate Conception ay hindi lamang isang lugar ng pagsamba kundi, isang malaking bahagi ng kasaysay, at kultura ng Naic Cavite.

PA’NO PUMUNTA? Kung nais nyo mag-visita Iglesia rito, madaling lamang kayong makakapunta. Kung nasa PITX kayo, maari kayong bumaba sa Bayan ng Naic, sabihin sa driver o konduktor na ibaba kayo sa may Petron Naic, pagdating doon ay sasakay kayo ng tricyle (P30 – P40 ang pamasahe sa Trike) ay mararating nyo na ang Naic Church.

 

 

  1. Our Lady of the Assumption Parish Church – Maragondon, Cavite

 

Ang ikalawang Simbahan naman na aming pinuntahan ay ang Simbahan ng Maragondon o kilala bilang Our Lady of the Assumption Parish Church na itinuturing na National Cultural Treasure ng National Museum ng Pilipinas.

 

Hindi mana kami nakapasok sa loob ng Simbahan na ito dahil sa sarado, hindi naman ito hadlang para hindi natin masilip ang makabuluhang kasaysayan ng Maragondon Church.

 

Nagsimula ang pagbuo ng Simbahan noong 1611 kung saan ang Maragondon ay itinatag bilang isang hiwalay na bayan. Aktibong nagsasagawa rito ang mga Franciscano sa pag-eebanghelyo sa lugar bago pa man ang taong ito. Ang Simbahan ng Maragondon ay sumailalim din sa iba’t ibang pagkukupuni at pagbabago sa paglipas ng mga taon.

 

Malawak ang labas ng Maragondon Church at mararamdaman mo ang kapayapaan at presensya ng Simbahan na ito dahil malayo ito sa kabihasnan. Marami pa kaming hindi nalibot dito kaya sa susunod naming pagbisita ay lilibutin namin ang makasaysayang simbahan ng maragondon

 

PA’NO PUMUNTA? Kung nais niyo magtungo rito, dalawang sakay lang mula sa Naic Church papuntang Maragondon Church. Mula Naic Church pwede kayong sumakay ng trike o kaya maglakad hanggang sa marating nyo ang highway crossing may makikita kayong 711 doon, Mag-abang lang kayo ng bus na dumadaan doon papuntang Maragondon. Pamasahe sa bus ay P25 per passenger. Sabihin nyo lang sa konduktor na ibaba kayo sa Simbahan ng Maragondon. Pagbaba nyo sa crossing ng Maragondon ay makikita ninyo ang Elementary School doon, sa babaan ng bus ay matatanaw nyo agad ang terminal ng mga tricycle doon, P50 ang trike papuntang Maragondon Church. Pagtapos nyo mag-ikot sa simbahan, pwede nyo namang lakarin palabas papuntang highway kung saan dumadaan ang mga bus pabalik ng Maynila.

 

  1. Diocesan Shrine of Saint Francis of Assisi Parish Church – General, Trias

Ikatlong Simbahan na aming pinuntahan ang Simbahan ng General Trias o kilala bilang Saint Francis of Assisi Parish Church na talaga namang nakakamangha ang kasaysayan nito.

Nakilala ng Diyaryo Milenyo si kuya Vergilio “Ver” Sui,  isa sa mga nangangalaga ng Simbahan ng GenTri. Hindi man kami kilala ni kuya Ver ay pinagbuksan niya kami ng pinto ng Simbahan para masilip ang ganda at milagrosong loob ng naturang simbahan. Sa hindi inaasahan ay amin ding naakyat ang kampana ng Simbahan ng General Trias.

 

Dito sa kampana ay nagsimula ang aming usapan kung saan ay ibinahagi ni kuya Ver ang ilan sa mga mahahalagang detalye ng kasaysayan ng Simbahan ng General Trias, Cavite.

 

Nakakalula ang pag-akyat dito sa tuktok ng kampana kung saan ay marami nang nasaksihang iba’t ibang okasyon si kuya Ver; mga kasalan, binyagan, prosisyon at maging ang pagtunog ng kampana para sa mga patay ay batid ni kuya Ver. Aniya, noong pagkabata pa raw niya ay nais niyang makita ang loob ng simbahan lalo na ang kampana kung paano ito pinatutunog at nais niya rin makapag lingkod mismo sa simbahan na nanyari naman sa kanya.

 

Napag-alaman ng Diyaryo Milenyo na dito pala nangyayari noon ang pagbitay sa mga nagkakasala. Dito mismo nagaganap iyon sa harapan ng simbahan kung saan ay pinapanood ng mga tao ang pagbibitay. Tanaw din dito sa harapan ng simbahan ang kanilang munisipyo.

 

 

Makikita rin sa mga mahahalagang larawan na nakasabit sa pader sa loob ng dambana ang mga footage ng bawat pangyayari noong itinatag ang simbahang ito.

 

Sa kasalukuyan, hindi na mababakas pa sa labas ng simbahan ang bitayang naganap noon. Maging ang puno ng Acacia na ilang siglo na ang dumaan ay tanging ang bagyong Milenyo lang ang nakapagpatumba nong 2006.

 

Kaysa masayang ang puno ng Acacia ay inukit dito mismo ang imahe ni Saint Francis de Assisi ang Patron ng simbahan ng Gen.Trias, kung saan ay naitampok din ito sa mga pahayagan at sa telebisyon.

Ibinahagi rin sa amin ni kuya Ver na tuwing kapistahan lang  ng Santo Francisco at Mahal na Araw naibababa ang ang rebulto o imahe ng kanilang patron.

 

Sa loob ng damdaba ay makikita rin dito ang isang napakaganda at napakapayang Adoration Chapel kung saan pwede kang manalangin ng taimtim.

Ayon pa kay kuya Ver, ang altar mismo dito sa simbahan ng Gen.Tri, ay may sikretong tunnel o lagusan patungo sa iba pang mga kalapit na bayan dito sa Cavite. Bagama’t ito ay hindi na maaaring pasukin pa ay nananatili pa rin ang buhay na kasaysayan ng Simbahan at ang mga bayani nating naglaan ng oras, panahon at buhay para ito ay maisakatuparan. Maraming pagbabago na ang nangyari rito, ngunit hindi nawawala ang presensya ng kanilang Patron.

Talaga namang hindi natin maikakaila kung gaano katibay ang ating debosyon sa paglilingkod sa simbahan at ang kasaysayang bumabalot ng ating pagka-Pilipino. Patunay na ang Simbahang Katolika ay laganap sa ating bansa, pamumuhay, kultura, at ang pagiging ganap nating pilipino.

Kung nais ninyong bisitahin ang Simbahan ng Gen.Trias, halos kalapit lang ito ng Munisipyo ng General Trias. Sakay po kayo ng Trike at ihahatid kayo papunta rito. #REXMOLINES 

*May Karugtong… 

Mag-subscribe din sa official YouTube channel ng ITO ANG CAVITE VLOG. Panoorin ang paglalakbay ng Diyaryo Milenyo Team at Ito Ang Cavite Vlog: 

 

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Espesyal Feature Tinig:

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading