fbpx
Thursday, May 2, 2024
Pinakamurang Spring Resort sa Trece Martires, Cavite

Pinakamurang Spring Resort sa Trece Martires, Cavite

0 0
Read Time:2 Minute, 25 Second

Nakipag-sabayan ang Diyaryo Milenyo sa paglalakbay ng Ito Ang Cavite Vlog at ang Kulitan and Goodvibes Vlog para puntahan ang nagtatagong ilog na madalas paliguan ng mga kababayan natin doon. Ito ang Bukal Spring Resort sa Trece Martires, Cavite.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
PHOTO: Ito Ang Cavite Vlog and Kulitan & GoodVibes Vlog team

Ang Bukal Resort ay isang natural spring resort na talaga namang super malamig ang tubig na dumadaloy dito. Ang iba ay iniinom ang tubig mula sa tubong dinadaluyan ng tubig bukal. Ito ay isang lugar kung saan maaari kang mag-relax, at mag-unwind habang tinitingnan ang napakagandang tanawin ng mga burol at bundok.

Ang resort na ito ay napapaligiran ng mga burol at bundok. Matatagpuan ang Bukal Spring Resort na ito sa Sunshine Ville, Brgy. Cabuco, Trece Martires, Cavite. Madalas itong dinadayo ng ating mga kababayan sa ibat ibang lugar gaya ng mga taga Pasay, Quezon City, at Caloocan, ayon na rin sa isang katiwala ng Bukal Resort na aking nakausap dito.

Bago marating ang tagong Bukal na ito, maglalakad muna kayo rito ng 5 hanggang 10 minuto para makita ang nagtatagong ilog na ito. Medyo matarik ang burol na lalakaran ninyo bago matanaw ang Bukal Resort. Enjoy naman ang paglalakad dito pero kailangan mag-ingat dahil baka madulas kayo at pumadusdos paibaba.

Kadalasang dinadayo ito ng mga magbabarkada, at pamilya. Make sure na wala kayong isasamang senior at PWD dahil mahihirapan silang bumaba’t umakyat dito dahil sa mala-bundok nitong daanan.

Ayon sa nakausap pakikipanayam ng Ito Ang Cavite Vlog kay kuya Atong, katiwala sa Bukal Resort, mas nakikita raw ang malinaw na daloy ng tubig bukal sa magkabilaang pool nito tuwing umaga kung saan ay wala pang mga naliligo. Dahil sa dinadagsa ito madalas lalo na pag weekend ay nag-iiba ang kulay ng tubig dito.

https://fb.watch/royNZVdAdc/

Dati raw ay maayos ang mga cottage dito, kahit sa may nakatayong bato rito ay may maliit na kubong nakatayo roon. Dahil sa dinadagsa ito ng ating mga kababayan ay unti-unting nasira ang ibang mga kubo rito. Plano raw itong ipaayos muli lalo na marami ang nagsu-summer get away nating mga kababayan.

Kung kayo ay naghahanap ng murang paliguan, maaari ninyong bisitahin ang Bukal Resort sa Trece Martires, Cavite.

Ang entrance fee ay 20pesos lang per head. Ang cottage ay nasa 100 hanggang 200 pesos lang swak para sa 15-pax. Pwede ring hindi na kayo mag-cottage kung kapos sa budget, hanap lang kayo ng pwesto na inyong pagtatambayan.

Sulit ang pag-stay namin dito! Talagang nag-enjoy kami mag-swimming, mag-games, mag-selfie, at magbabad sa malamig na tubig bukal. Kaya naman, babalik kami dito at sana ay mas mapaganda pa ang Bukal Spring Resort na ito. Narito ang ilang video at photos na aming nakunan mula rito sa Bukal Resort. Arat na sa Etivac! #RBM

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Espesyal Travel

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading