[Ni Sid Samaniego]
ROSARIO, CAVITE: Bago pa man dumating ang Linggo ng Palaspas, makikita ang grupo na ito na nagbabasa na ng “pasyon” sa tinatawag na burol sa Brgy. Poblacion na pag-aari ng pamilya Alcid.
Sa grupo na mga mang-aawit mayroong mga parte na inaawit ng isang tao lamang at may inaawit na para naman sa lahat.


Binabago ang liriko o tono ng bawat tugon base sa kung sinong karakter ang kinakatawan ng umaawit.
Ang pagbabasa ng pasyon ay isang uri ng debosyon at pasasalamat sa Panginoon.


Ito ay pagsasalaysay ng mga pinagdaanan ni Hesus mula huling hapunan hanggang sa muling pagkabuhay.
Libre at walang bayad ang pagbabasa ng pasyon dahil ito ay ginagawa bilang parte ng kanilang debosyon. ###
0 comments on “Palaspas 2022: Pasyon sa Burol”