[Photo Release]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
Isang yaman at karangalan ang magkaroon ng orihinal na sipi ng Zine o tula mula sa may akda. Maraming salamat po Bb. May Morales- Dolis – Isang karangalan po ang makapanayam kayo na may akda ng “Ayon Kay Kid Talaba” tunay na makatang babae mula sa Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Maraming salamat din po Dr. Randy Nobleza sa napakayaman at makabuluhang kwentuhan..Hanggang sa muli!! – Ibert Regio
Dinala natin sa komunidad sa Ipil, Sta. Cruz ang mga naratibo ng ilang saklaw ng trahedya ng Marcopper Mining Corporation. Ang pangarap natin ay paratingin ang tinig mula sa ibaba, paigtingin ang panawagan sa itaas at sa landasin, kung may pagkakamali ay halawin ang mabubuting mapupulot. Salamat, Sir Ibert Regio sa pagtanggap. – May Morales-Dolis
Bihira lamang ang mga barangay, partikular sa bayan ng Santa Cruz at lalawigan ng Marinduque ang mayroong “miniature” o relief map kagaya ng matatagpuan sa Luneta o Rizal Park sa buong kapuluan. Matatagpuan rito ang istorya ng pook na lubhang nalimot, dekada 70 pa ay tinambakan na ng basurang mina. Ngunit mababakas pa ang pilat, gurlis, hilatsa o piliges ng nakaraan. Mahigit sa 50 taon na, sa paggitan ng bird sanctuary at marine protected area, nakapagtayo na ng mga toklong na sinunod ang pangalan sa mga puno o bakawan na matatagpuan sa lugar. May mga lihim at nakakubling kaalaman mababakas sa yungib, sa kabila ng panganib sa tubig, hangin at pagkain ng mga taga-Brgy Ipil. Papunta sa kuweba ng Bathala, bagamat lipas na ang 2000 na pinaniwalaang wakas ng panahon, muling nagbabalik ang sigla, buhay at gilas ng lugar upang makabangon sa trahedya ng Marcopper. Ang nabuong tambak ay
nagbabanyuhay na atraksiyong panturismo kahit may mga agam-agam ang lokal na pamahalaan at iba pang apektado.