Gaza-Israel conflict death toll, umakyat na sa 1100; libu-libo sugatan

Read Time:1 Minute, 6 Second

Gaza Strip –— Umakyat na sa 1,100 ang nasawi bunsod ng kasalukyang giyerang nagaganap sa pagitan ng Israel-Hamas na nagsimula nitong Sabado, Oktubre 7, libu-libo rin ang mga nasugatan, ayon sa pagtatala ng mga opisyal doon.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Mahigit 700 katao sa Israel ang nasawi, at sinabi rin ng mga Officials na hindi bababa sa 260 katao naman ang namatay sa isang music festival sa bahagi ng southern Israel.

Nasa mahigit 400 katao ang napatay sa Gaza, kabilang ang mga Israeli military na may 800 target sa Gaza Strip.

Ayon pa sa ulat na nakalap mula sa foxnews.com, sinugod ng mga teroristang Hamas ang mga nasa naturang event na nakasakay pa sa van.

Sa pagtataya ng Gaza Health Ministry, 413 katao ang napatay, kabilang ang 78 bata at 41 kababaihan.

Ayon kay U.S. Secretary of State Antony Blinken, nasa 1,000 Hamas soldiers ang involved sa bakbakang ito na nagsimula noong Sabado ng umaga, Oktubre 7, at tinukoy din ng opisyal na higit 400 militants ang nasawi.

Nasa mahigit 2,000 naman ang sugatan sa kasagsagn ng giyera, at patuloy pa itong umaakyat.

Samantala, hindi pa tukoy kung ilan ang mga Israeli civilians ang dinukot.

Naniniwala ang mga Opisyal na kinabibilangan ng mga bata, matatanda at mga kababaihan ang dinukot ng Hamas group.

 

Source: Foxnews.com 

 

Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
100 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Average Rating

5 Star
0%
4 Star
0%
3 Star
0%
2 Star
0%
1 Star
0%

One thought on “Gaza-Israel conflict death toll, umakyat na sa 1100; libu-libo sugatan

Comments are closed.

Previous post Giyera sa Israel: Office of the President, kinondena ang pag-atake sa Irael
Next post Go green with DTI: ‘Refill at DC’ encourages sustainable living 

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: