OPINYON

TNRM: Ilibre sa swab testing ang mga LSI

Nitong nakaraang Lunes sa kasagsagan nang SONA ni Pangulong Duterte ay inabot ng malakas na ulan ang mga na-stranded nating mga kababayan na magbabalik-probinsya at pansamantalang nanunuluyan sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

Libo-libong locally-stranded individual o LSI ang dumagsa sa nasabing stadium sa Maynila para makauwi na sa kani-kanilang mga probinsya. Ngunit ito ay naantala at tila may mali sa pamamalakad ng mga kawani o nag-organisa nito.

Maging ang mga kababayan nating magbabalik probinsya na na-stranded din sa pantalan ng Batangas at iba pang mga lugar kung saan naroroon ang mga kababayan nating gustong-gusto nang magbalik probinsya. Sapagkat hindi na nila kakayanin pang manatili dito sa Maynila dahil sa kawalan nang hanapbuhay at ang karamihan ay natanggal pa sa trabaho.

Sila ay nakararanas ng gutom, pagka-uhaw, at nababasa ng pabugso-bugsong pag-ulan. May mga batang malilit pa, matatanda, at buntis ang apektado ng kakulangan ng serbisyo para mapauwi agad ang mga ito sa kanilang mga probinsya. Tila hindi sila agad naaksyunan nang mga responsable sa kanilang kinasadlakan.

Maraming mga netizen ang naawa sa kalagayang sinapit nang libo-libong stranded sa Rizal Stadium kung saan ay walang matinong mahihigaan.

Dahil sa pangyayaring ito, agad naman nagsagawa nang rapid testing sa lahat. Umabot sa mahigit 20 ang mga nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) nitong martes matapos sumailalim sa rapid testing. Ayon sa namamahala dito, nailipat na nila sa quarantine facility ang mga nagpositibo na nakatakdang sumalang sa confirmatory swab test.

Habang ang nasa mahigit 70 LSI ay inilagay sa isolation area sa loob ng nasabing stadium matapos makasalamuha ang mga nagpositibo sa rapid testing.

Aniya, nakatakda ang mga ito na dalhin sa ibang pasilidad. Dahil dito, aminado naman si Hatid Program lead convenor Joseph Encabo na hindi naging madali ang pagpapatupad ng physical distancing sa stadium ngunit nang kinalaunan ay sinikap pa rin nilang maisaayos ang mga ito.

Samantala, ang mga na-stranded sa Batangas port ay hindi agad pinasasakay ng barko dahil kailangan muna nilang magpakita ng pruweba na sila ay negative sa COVID-19. Kaya ang karamihan sa kanila ay napilitang gamitin ang kanilang mga natitirang pera para lamang makapag-swab testing at sila ay sinisingil ng 6,000 hanggang 8,000 para magpakita lamang ng resulta kung sila ay negatibo o positibo sa naturang sakit.

Sa ganitong pangyayaring hindi maiiwasang mapaghiwalay ang mga taong nagkukumpulan sa iisang pasilidad at lalong nalalagay sa panganib ang kalusugan ng lahat. May mali man o kakulangan ang bawat awtoridad na nagpapatupad ng paghihigpit sa seguridad at mga protocol na inilaan, bilang isang indibidwal, tayo na rin ang dapat kumilos kung paano makakaiwas sa kakapalan ng tao sa paligid upang hindi mahawa o makahawa pa.

Maraming LSI ang nag-sakripisyo ng kanilang mga oras, pera, at kalusugan para lamang makapag swab testing. Tanging hiling nila, ILIBRE na sana ang mga kagaya nilang walang kakayahang magbayad ng naturang covid-19 testing kaysa pagbayarin pa sila sa mga private clinic o hospital kung saan sinasagawa ang pagpapa-swab test ng indibidwal na may pre-existing symptoms ng COVID-19 para lamang may pruweba na sila ay negatibo sa natung virus at makauwi ng tuloy-tuloy sa kanilang mga probinsya ng walang balakid /TNRM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.