Kauna-unahang Filipina naihalal bilang Alkalde sa UK

Read Time:1 Minute, 45 Second

Sa gitna nang ating mga kinahaharap ngayon, isang magandang balita ang nagpamalas sa kakayahan ng ating kababayan sa ibang bansa nang mailuklok ang isang Filipina sa pagka Alkalde nito sa Inglatera.

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

Gumawa nang kasaysayan ang isang Filipina sa Inglatera na si Cynthia Alcantara Barker, ang kauna-unahang Filipina na inihalal sa pagka Mayor sa United Kingdom. Si Barker ay naging konsehala sa United Kingdom noong 2015.

Ngunit hindi siya huminto sa kanyang mahusay na panunungkulan at ngayon ay ganap na siyang Alkalde sa Hertsmere, United Kingdom. Sa isang interbyu kay Barker ng Balitang Global sa Facebook sinabi niya na, “Ako po ay lubusang naantig sa inyong mga suporta at pagbati ukol sa aking pagkakahirang na bagong Mayor ng Hertsmere,”

“Ang aking pagkakaupo bilang isang mayor dito sa UK, ay katunayan na tinatanggap at kinikilala ang mga Pilipino sa bansang Inglatera,” dagdag pa niya.

Bago pa siya makilala sa pagiging unang Filipino na nahalal bilang alkalde sa Inglatera, humanga rin siya sa Pinoy community habang pinangangasiwaan niya ang British version ng Hollywood. Noong siya ay konsehal pa, ang kanyang nasasakupan ay ang Elstree town at Borehamwood borough kung saan matatagpuan ang studio.

Ang Elstree at Borehamwood Film Studios sa Hertfordshire ay kinokonsidera bilang Hollywood ng United Kingdom.

Si Mayor Cynthia Barker ay lumaki at nagtapos nang pag-aaral dito sa ating bansa sa kursong Industrial Engineering sa Adamson University sa Maynila, bago pa siya mag-migrate sa Inglatera.

Siya ay anak ng isang OFW na nagtatrabaho rin sa UK.

Aniya, ang dugong nananalaytay sa kaniyang pagiging Filipino ay naging daan upang maipamalas niya ang pagiging isang Leader sa ibang bansa na ngayon ay kaniyang susuungin.

“The more mature I become, the more I realize my Philippine blood, the Philippine culture, my upbringing ‘yung strength ko,” sabi pa ni Mayor Cynthia Alcantara Barker.

Isang kasaysayan na maituturing na may isang Filipino ang naluklok sa pagka alkade sa ibang bansa. Mabuhay po kayo! (Rex Molines / Photo courtesy: ShowbizPHInsider).

https://showbizphinsider.com/2020/08/04/daughter-of-an-ofw-became-the-first-ever-filipino-elected-as-a-mayor-in-the-uk/?fbclid=IwAR3z6QL8uXJnwWzNgOtxxJeizTKneaocrJYT7ncVNxU809ifBJlMQLQ338Q

Advertisement

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post 141k manggagawa nawalan ng trabaho – DOLE
Next post Two Filipinos die, 10 seafarers reported missing now found after Beirut twin explosion

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d