
Isolated light rains, asahan ngayong araw – PAGASA

Makararanas ngayong araw, Lunes (Abril 5) ng isolated light rains ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa northeasterly windflow ayon sa PAGASA sa kanilang weather forecast nitong umaga.
Makararanas ng maulap na kalangitan at isolated light rains ang Batanes at Cagayan, habang ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas din ng maulap-ulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan o isolated light rains.
Maging ang Mindanao ay makararanas ng panaka-nakang pag-ulan at isolated rain showers bunsod ng localized thunderstorm. Posibleng magdulot ito ng flash floods sa kasagsagan ng severe thunderstorms.
Ayon pa sa PAGASA, binabantayan nila ang namumuong sama ng panahon o ang low pressure area na nakita nitong 3 a.m. sa layong 1,260 km east northeast sa Basco, Batanes. #DM