
MANILA, Philippines – Inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm na may international name na “Surigae” ngayong araw, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kapag pumasok na ang TS Surigae sa PAR, tatawagin naman itong bagyong “Bising”.
Ayon kay PAGASA Administrator Vicente Malano sa press conference nito kahapon, papasok ang bagyong ito sa bansa ngunit hindi ito direktang makakaapekto sa ating kalupaan. Inaasahan na mas lalapit ito sa kalupaan sa Linggo, higit kumulang 500 kilometers silangang bahagi ng Sorsogon.
Kahapon ay nasilip ang sentro ng bagyong ito na may 1,165 kilometers silangang bahagi ng Mindanao. At may dalang hangin na 75 kilometers per hour na may pagbugso na aabot sa 90 kph at kumikilos ito pa northwest sa 10 kph.
Dagdag pa ni Rojas na ang tropical storm Surigae ay may kalakasan at kumikilos ito ng mabagal papasok ng Philippine Sea.
Inaasahan na mas lalakas pa ang tropical storm Surigae at magiging ganap na bagyo. #DM
0 comments on “Tropical storm “bising” papasok sa par ngayong araw”