NEWS

Partnership nila Gov. Salliman at Rep. Hataman nagdulot ng kapayapaan at mga pagbabago sa Basilan

[by Rashid RH. Bajo]

image: Arangkada Balita

BANGSAMORO AUTONOMOUS REGION –– Kapag nagtutulungan para sa kapayapaan at para sa kapakanan ng mga mamamayan, talagang lulutang ang kapayapan at magiging madali at maayos ang paglatag ng mga pagbabago na maghahatid ng mga benepisyo sa mga tao.

Pinatunayan ito nila Governor Jim Salliman at House Deputy Speaker Mujiv Hataman sa probinsya ng Basilan sa pamamagitan ng paglatag ng liderato na may tapang at malasakit at pagsulong ng mga programa at mga proyekto na makakabuti sa mga taga–Basilan.

Ang dalawa sa nasabing mga programa nila Governor Salliman at Deputy Speaker Hataman ay ang “Program Against Violent Extremism” [or PAVE] at “vegetable farming.”

Ayon sa report ng Arangkada Balita, dahil sa PAVE [or Program Against Violent Extremism ] narating ng  ng probinsya ng Basilan ang mapayapang–direksyon matapos ang pagbuhos ng mga epektibo, mga katanggap–tanggap at napapanahong mga solusyon para mabura ang takot at lagim na itinanim ng grupong–Abu Sayyaf.

Noon, kilala ang Basilan na “kuta” ng Abu Sayyaf Group [or ASG]. Pero ngayon, kilala na ito na isang mapayapa [or peaceful] na probinsya.

Dahil sa tapang at malasakit nila Governor Salliman at House Speaker Hataman, ang takot ay napalitan ng saya at ang gulo ay napalitan ng katahimikan.

Dahil sa hangarin na makatulong sa mga tao, lalo na sa mga magsasaka, inilunsad din ng provincial government ng Basilan, sa ilalim ng matibay at solidong–tambalan [or partnership] nila Governor Salliman at Deputy Speaker Hataman, ang isang programa na alam nilang malaki ang magiging kontribusyon nito sa tinatawag na “agricultural and rural development initiatives” ng probinsya.

Ang nasabing programa ay ang pagsulong ng “organic vegetable farming” sa tulong ng mga “drip–irrigated greenhouses.”     

Ayon sa report ng Arangkada Balita, “Tanging Basilan lang sa limang probinsya ng Bangsamoro region, ang may mga multi-million drip-irrigated greenhouses bilang showcases ng organic vegetable farming.”

At ang isa sinasabing greenhouses ay nasa Lumbang, Isabela City, at ang isa ay nasa bayan naman ng Maluso.

Sa ilalim ng nasabing programa, “matututo ang mga lokal na residente ng mga pamamaraan ng pagpapalago ng mga gulay na puwedeng nilang maging alternative source ng income.”

Ayon sa Arangkada Balita, ang nasabing programa ng probinsya ay may layunin na makapaglatag ng malawak na espasyo para sa produksyon ng mga agrikulturang–produkto na “halal.” #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Partnership nila Gov. Salliman at Rep. Hataman nagdulot ng kapayapaan at mga pagbabago sa Basilan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: