StaySafe.ph contact tracing app, paplantsahin sa ilalim ng DILG

Read Time:2 Minute, 0 Second

[by RBM]

Tinanggihan ng Department of Health ang StaySafe.ph, ang sana ay opisyal na contact tracing program app ng bansa matapos itong ilunsad nitong nakaraang taon.

Ibinunyag ito ni Contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa press briefing nito kahapon (Mayo 4), na nakitaan na may kakulangan pa sa mga dokumento ng naturang developer nito.

“Well, ang StaySafe ho kasi talaga hong tinanggihan ho ng Department of Health dahil may nakita ho silang kakulangan. So nangyari po, idinonate po ito sa DILG,” saad ni Magalong.

Ito sana ay magiging mandato sa bawat LGU’s para sa milyon-milyong online users sa buong bansa.

Aniya, ang StaySafe.ph ay patuloy pa ring pinag-aaralan at tinututukan ng Department of Interior and Local Government.

“Insofar as the DILG is concerned, nasa study and learning status pa po sila,” ani Magalong.

“Yan po yung talagang kulang pa po ang documentation na binigay ng StaySafe kaya hindi pa po natin makumpleto at masabing categorically na highly reliable na po itong StaySafe,” dagdag pa niya.

Kailangan ding pagsumikapang pag-aralan at maplantsa ng husto ang kinakailangan na mga dokumento at ang pagsasaayos ng “functionalities” ng naturang app.

Advertisement

“Overall, ‘yung contact tracing natin nandoon sa 1:4 lang. So malayong malayo na sa 1:15 na standard na contact tracing efficiency ratio. To be honest with you, I would say it’s still the weakest link among the pillars,” saad pa ni Magalong.

Nagbigay pahayag si Presidential Spokesperson Harry Roque patungkol sa mga kontrobersiya partikular sa StaySafe.ph app.

“Lahat po ng kontrobersiya tungkol dito sa app na ito ay natapos na. Lahat po ng kinakailangang i-donate ay na-donate na po sa Philippine government. At ito po ay ginagamit na po at pinapatupad na po ng ating DILG. At ang technical assistance po is being provided by DICT,” saad ni Roque.

“So iyong usapin po na marami pang deliverables, tapos na po lahat iyan and we have decided to go full speed ahead with Safety.PH ‘no. So ano na po iyan, all systems—StaySafe.PH. All systems go na po tayo,” dagdag pa ni Roque.

The national government launched StaySafe as the official contact tracing program last September 2020.

Inilunsad ang StaySafe bilang official contact tracing program app noong Setyembre 2020 sa ilalim ng kasunduan ng DOH at ng Multisys Technology Corporation, bilang developer nito. #DM

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Aktwal na P5000 Lapulapu Commemorative banknote, ipinasilip
Next post Former Saudi Arabia–based chef thanks Mindanao lawmaker for endorsing his “tasty burger” in Koronadal City
%d bloggers like this: