[ni RBM]

Nasa mataas na ng baybayin ng northern Zambales ang bagyong Dante matapos itong manalasa sa kanlurang baybayin ng central at southern Zambales, ayon sa Severe Weather Bulletin sa ipinoste ng PAGASA nitong Huwebes ng umaga, June 3.
Iniulat na ang bagyong Dante ay magdadala ng moderate to heavy rains sa buong bahagi ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro kasama ang Lubang Islands, ang northern portion ng Palawan at Calamian Islands.
Light to moderate at may panaka-nakang pag-ulan pa rin ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, CALABARZON, Oriental Mindoro, at ang natitirang bahagi ng Palawan kasama ang Cuyo at Kalayaan Islands.
Ang sentro ng bagyong Dante ay nasa baybayin ng Santa Cruz, Zambales na may maximum sustained winds 65 kilometers per hour, may pagbugso naman na 90 kph at central pressure na 998 hPa kumikilos ng pahilaga – hilagang-kanluran na may bilis na 25 kph.
Samantala, ang gale-force winds ay umaabot hanggang 50 km mula sa sentro ng bagyo.
Nakataas naman sa Signal no. 2 ang mga sumusunod na lugar;
LUZON
- Zambales
- western portion ng Pangasinan (Infanta, Mabini, Sual, Labrador, City of Alaminos, Anda, Bolinao, Bani, Agno, Burgos, Dasol)
TCWS No. 1 nakataas sa mga sumumunod na mga lugar;
LUZON
- central portion ng Pangasinan (Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Lingayen, Binmaley, San Carlos City, Urbiztondo, Bayambang, Bautista, Alcala, Malasiqui, Basista, Santa Barbara, Mangaldan, San Fabian, Mapandan, San Jacinto, Dagupan City, Calasiao)
- Bataan
- Tarlac
- Pampanga
- western portion ng Bulacan (City of Malolos, Calumpit, Paombong, Hagonoy, Bulacan, Pulilan, Plaridel, Guiguinto)
- the western portion of Cavite (Tanza, Trece Martires City, Indang, Alfonso, Rosario, Cavite City, Noveleta, City of General Trias, Naic, Maragondon, General Emilio Aguinaldo, Magallanes, Ternate)
- the western portion of Batangas (Calatagan, Lian, Nasugbu, Tuy, Balayan)
- Lubang Island
Magdadala naman ng malakas na hangin at pag-ulan sa ibabaw na bahagi ng mga lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 2, habang magkakaroon ng malakas na hangin at katamtamang pagtaas ng dagat ang mga lugar na nasa ilalim ng TCWS No. 1.
Inaasahan na tutungo ang bagyong Dante sa Bashi Channel (sa mataas na bahagi ng Luzon) kung saan ito magtutungo patawid ng baybayin ng Taiwan. #DM
0 comments on “Dante, binabaybay ang northern Zambales; 2 mga lugar mananatili sa Signal No.2”