
Southwest Monsson at ITCZ, magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw – PAGASA
Read Time:36 Second

Bunsod ng Southwest Monsoon at Intertropical Convergence Zone (ITCZ) uulanin ang malaking bahagi ng bansa ngyaong araw, ayon sa PAGASA sa kanilang pag-uulat ngayong Lunes ng umaga.
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Ang mga lugar na apektado ay ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Palawan, at Mindoro Provinces na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at kidlat sanhi ng amihan.
Posibleng magkaroon ng flash floods o landslides sa kasagsagan ng pag-ulan.
Makararanas din ng makapal na kaulapan, pagkulot at pagkidlat sa ilang bahagi ng Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region bunsod ng ITCZ o habagat.
Sumikat ang araw kaninang 5:26 a.m at lulubog naman ito ng 6:24 p.m – #DM
About Post Author
Diyaryo Milenyo
DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.