GLOBAL NEWS

Maynila, pasok sa 2021 Global Mayors Challenge ng Bloomberg Philanthropies

Kinilala ang lungsod ng Maynila sa mga nangungunang 50 cities para sa 2021 Global Mayors Challenge ng Bloomberg Philanthropies dahil sa 'urban innovation' ng lungsod sa pagtugon nito sa mga isyu sa gitna ng pandemya.

Kinilala ang lungsod ng Maynila sa mga nangungunang 50 cities para sa 2021 Global Mayors Challenge ng Bloomberg Philanthropies dahil sa ‘urban innovation’ ng lungsod sa pagtugon nito sa mga isyu sa gitna ng pandemya.

Nagpahayag naman ng pasasalamat kahapon [June 15] si Manila Mayor Isko Moreno sa pagkilala sa lungsod ng Maynila at ito ay kanyang ibinabahagi rin sa bawat Manileño at bawat Pilipino.

“We are hugely honored that Manila has been named as one of 50 select Champion Cities for the Bloomberg Philanthropies 2021 Global Mayor’s challenge,” saad ni Isko.

“On behalf of the more than two million residents of the city of Manila and indeed on behalf of every Filipino, wherever they are in the Philippines or around the world for whom their national capital occupies an outsize role in their hearts and minds, the city government is very much honored for the prestigious award.” ani Isko.

Ang Maynila at Butuan ang natatanging lungsod sa Southeast Asian cities ang nakapasok sa 50 cities mula sa mahigit 600 lungsod sa buong mundo ng Global Mayors Challenge program.

Kabilang ang mga lungsod sa Asia-Pacific ay ang Aukland (New Zealand), Daegu (South Korea), Pune (India), Rourkela (India), Taipei (Taiwan) at Wellington (New Zealand).

“We offer our congratulations to both Manila and Butuan for making it to the global 50. Out of 631 applications received by Bloomberg Philanthropies, 52 Philippine cities and municipalities submitted their entries, signaling high interest to develop their cities,” pahayag ni Liveable Cities Challenge chairman Guillermo Luz.

Para sa kumpetisyon ito, ang mga lider ng lungsod sa iba’t ibang panig ng mundo ay inanyayahang magpahayag ng kanilang mga ideya para tugunan ang mga hamon sa panahon ng pandemya.

Ang mga lungsod na may higit 100,000 residents ay inaanyayahan ding magsumite ng kanilang proposals base sa abat na temang inilaan: health and wellbeing, climate and environment, economic recovery and inclusive growth, at good governance and equality.

Bilang bahagi ng naturang kompetisyon ang Maynila at Butuan, may pagkakataon ang mga lungsod na ito para maitaguyod ang kanilang mga proposal mula ngayong buwan hanggang Oktubre 2021 para makipag-compete sa final round, at labing-lima (15) lamang dito ang mananalo sa nasabing kompetisyon.

Ang top 15 cities na magwawagi ay makatatanggap ng $1 million bawat lungsod at mayroong free consultancy services para sa pag-implementa ng kanilang mga proyekto.

Sa pakikipagtulungan ng Globe Telecom Inc., ang Liveable Cities Challenge ay nag-organisa ng isang virtural briefing kasama ang mga Bloomberg experts na sina Michael Odermatt and Eamon Nolan, workshop mentor’s at ang mga local multidisciplinary experts. #DM

Advertisement

0 comments on “Maynila, pasok sa 2021 Global Mayors Challenge ng Bloomberg Philanthropies

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: