Photo News PROVINCIAL

Sen. Bong Go namahagi ng mga ayuda sa 300 katao sa Tupi, South Cotabato

TUPI, South Cotabato --- Umabot sa 300 katao ang bilang ng mga nabuhusan ng grasya mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Agriculture (DA) sa bayan na ito noong June 22, 2021.

[by ABDUL CAMPUA]

TUPI, South Cotabato — Umabot sa 300 katao ang bilang ng mga nabuhusan ng grasya mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Agriculture (DA) sa bayan na ito noong June 22, 2021.

Pinangunahan ni Senator Bong Go ang pamamahagi ng “ayuda” sa mga “Persons With Disability” (or PWD) at “Displaced Workers” sa isang seremonya na ginanap sa municipal gymnasium ng bayan na ito.

Kasama ni Senator Go sina South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., Tupi Mayor Romeo Tamayo at mga opisyal mula sa DOLE, DSWD at DA sa Central Mindanao region.

Ang nasabing mga ayuda ay binubuo ng cash assistance, food packs at rice aid. Ang mga PWD naman ay tumanggap ng wheelchair at iba pang mga gamit.

Bawat isa sa mga benepisaryo ay tumanggap ng P3,000 bilang livelihood assistance, food packs bilang suporta nila sa krisis na dulot ng pandemya.

Ang 31 naman sa kanila ay tumanggap ng P20,000 bawat isa mula sa Integrated Livelihood Program ng DOLE habang ang 29 naman ay binigyan ng tig-P5,000 kada isa mula sa programa ng DOLE na TUPAD.

May mga tumanggap din ng rice assistance at assorted vegetable seeds mula sa DA-12.

Kasama ni Senator Go ang artistang si Philip Salvador sa nasabing seremonya. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Sen. Bong Go namahagi ng mga ayuda sa 300 katao sa Tupi, South Cotabato

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: