OCTA: Covid-19 Reproduction number sa NCR tumaas ng 1.08

Read Time:1 Minute, 33 Second

[ni RBM]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!
image: philippinelifestyle.com

Inihayag ng OCTA Research Group ngayong Miyerkules [July 21], na ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila ay tumaas sa 1.08, na nagpapahiwatig ng patuloy na paghawa ng virus bunsod ng pagpasok ng Delta variant sa bansa.

Sa kanilang latest monitoring report, sinabi ng grupo na ang Metro Manila ay may average na 744 new cases kada araw mula July 14 hanggang 20, mas mataas ang average na ito kumpara sa 629 daily cases new infections noong July 7 hanggang 13.

Ang capital region ay mayroong average daily attack rate (ADAR) na 5.39 cases per 100,000 population, 42% naman sa ICU utilization, at positivity rate na 6%.

Sinabi pa ng OCTA na kahit mayroong uptick na hawaan sa Metro Manila na tinuturing na cause for concern, hindi naman ibigsabihin nito na dapat ma-alarma ang lahat “as it is still too early to determine if this will continue to [be] an increasing trend.”

Sa pagtatala, ang Pilipinas ay mayroong walo (8) aktibong kaso ng highly contagious na Delta variant, anim (6) dito ay local infections.

Sinabi naman ng Malacañang na magre-reimposed ng paghihigpit sa ilang piling mga lugar sakabila ng banta ng Delta variant.

“Napatunayan na sa pamamagitan ng siyensya na itong Delta variant ay mas nakakahawa, mas nakakamatay, kaya sabi ni presidente ay baka [maghigpit ulit] at ngayon po ay mukhang sigurado na na magbabalik po tayo ng ilang paghihigpit,” saad ni Spokesman Harry Roque sa isang interbyu.

Aniya, ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), ay magpupulong bukas [Huwebes, July 22] para sa rekomendasyon ng mga eksperto na suspendehin ang polisiya para sa mga bata edad 5 hanggang 17 na makalabas ng bahay para maiwasan ang paglaganap ng Delta variant na sinasabi na maaring maging carrier ng virus ay ang mga kabataan.

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %
Previous post Dominique nag birthday kasama si Bea
Next post PAGASA: Bagyong Fabian, nananatili ang lakas na kumikilos patungong pakanluran

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue Reading

%d bloggers like this: