[Ni Sid Luna Samaniego]

Gamit ang bareta de kabra, plais, long nose, flat screw driver, martilyo, at lagaring bakal ay matiyagang binabaklas ni Mang Mar Bancifra, 58 taong gulang, tubong Tarlac, at 33 taon ng naninirahan sa bayan ng Rosario ang makina ng sirang motor upang kuhanin ang tansong pula na nakakapit sa naturang makina.

Swelduhan lang siya sa trabahong ito. Halagang P500 piso bawat araw. Hindi na masama kung tutuusin.
Subalit minsanan lang ito sa isang linggo. Paano kung walang magpapabaklas? Bahala na si Kulas?


Ang mahalaga, masaya siyang kapiling ang anak at apo higit ang pinakamamahal na asawang si Celia. At titiyakin niyang sa kanyang pagbabaklas ay mananatiling nag-iisang “Celia” lang, ang sa puso niya ang binibigkas. #DM
0 comments on “BAKLAS: Paghihiwalay ng dalawang bagay mula sa orihinal na pinanggalingan nito”