Banner Story BREAKING NATIONAL

Balik-ECQ ang Metro Manila simula Agosto 6

Balik sa pinakamahigpit na kwarantina o enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) simula Agosto 6 hanggang 20, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ngayong araw, Biyernes, Hulyo 30.

image: IATF

Balik sa pinakamahigpit na kwarantina o enhanced community quarantine (ECQ) ang National Capital Region (NCR) simula Agosto 6 hanggang 20, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ngayong araw, Biyernes, Hulyo 30.

Ang hakbangin na ito ay mula sa panawagan ng OCTA Research Group sa national authorities na mag-impose ng two-week “circuit-breaker” o hard lockdown bunsod ng pagkalat ng transmissible na Delta variant COVID-19 sa bansa.

Aniya, sisiguraduhin ng national government na ang Metro Manila ay mananatili sa general community quarantine (GCQ) na may heightened restrictions simula ngayong araw, Biyernes (Hulyo 30) na tatagal hanggang Agosto 5.

Sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions, ang indoor dine-in services at al fresco dining ay ipagbabawal muna. Papayagan lamang ang mga take-out at delivery.

Sinabi pa ni Roque na ang mga manggagawa na nagta-trabaho sa mga establisimiyento gaya ng restaurant at fast food ay mananatili ang operasyon sa buong maghapon lamang.

Bawal na rin muna ang mga indoor sports venues at tourist attractions at specialized markets ng Department of Tourism (DoT). Ngunit ang outdoor tourist spots na inihayag ng DoT ay mananatili ang operasyon sa 30% capacity nito.

Ang mga religious gatherings ay pahihintulutan lamang via virtual. Ang Public transportation ay hindi maaapektuhan. Pahihintulatan ang paggamit ng active transportation gaya ng mga bisikleta.

Sa ilalim ng heightened restrictions ay pahihintulan ang mga personal care services gaya ng beauty salon, beauty parlor, barbershop, at nail spa, papayagan lamang tumanggap ng customers sa 30% capacity sa bawat establisimiyentong nabanggit.

Pinaalalahanan naman ang publiko na mananatiling bukas ang mga grocery stores at public market kahit na nasa pagpapatupad ng ECQ ang NCR, walang dapat ikabahala ang publiko ani Roque.

“Mahirap man, mapait man ang desisyon na ginawa natin, ito po ay para sa kabutihan ng lahat,” saad ni Roque.

Bukod sa mga nabanggit, tanging ang mga authorized persons outside their residences (APOR) ang pahihintulutang maglabas-masok (go in and out) sa NCR Plus (Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal).

Kasunod ng mga rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang Gingoog City, Iloilo City, Iloilo Province, at Cagayan de Oro ay mananatili sa ilalim ng ECQ mula Agosto 1 hanggang 7.

Ang Cebu City at Cebu province ay kasama sa listahan ng mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) simula Agosto 1 hanggang 15, ito ay depende sa apila ng mga lokal na ehekutibo.Ang mga lugar na nasa ilalim ng MECQ ay ang Ilocos Norte, Bataan, Mandaue City at Lapu-Lapu City. #DM

One of my expertise is to create copy, simple yet catchy copy that is unique to your company, and to share my published journals that you can use. My official mascot is a T-Rex, it represents my name itself; T-Rex Copywriting is one of the most creative yet affordable copywriting services that can effectively translate your thoughts into cash-generating words. I guarantee copies that boost your marketing effort and maximize sales.

0 comments on “Balik-ECQ ang Metro Manila simula Agosto 6

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: