ESPESYAL TINIG Ni: Rex Molines

BUWAN NG KATATAKUTAN, KAPUPULUTAN DIN NG ARAL

Sa unang araw ng buwan ng Nobyembre ating ginugunita ang Todos Los Santos o Araw ng Lahat ng mga Santo, tinatawag ding All Saints Day. Ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre o unang lingo ng Pentekostes bilang paggunita sa lahat ng Santo o banal.

image: Google. All Souls day

Taun-taon nating pinaghahandaan at pinaglalaanan ng panahon ang pagbisita sa mga buntod o libingan ng ating mga yumaong mahal sa buhay noong mga panahong wala pang pandemya. At ngayon, naiiba na ang ating pag-alaala sa mga namayapa nating mga mahal sa buhay.

Ating binibigyang importansya ang Undas o Araw ng mga Kaluluwa sa una at ikalawang araw ng buwan ng Nobyembre.

May mga naglilinis at nagpipinta ng mga puntod, nag-aalay ng dasal at mga bulaklak at ang pagtitirik ng kandila na nagsisilbing paggalang at pag-alaala natin sa kanilang mga kaluluwa.

Marami sa atin ang hindi nakakaalam kung bakit nga ba dalawang araw nating ginugunita ang pag-alaala sa mga kamag-anakan nating sumakabilang buhay na. Ano nga ba ang tunay na kahulugan nito sa ating buhay? Ano nga ba talaga ang ating pinaghahandaan kapag unang araw ng Nobyembre at ang ikalawang araw nito?

UNANG ARAW

Sa unang araw ng buwan ng Nobyembre ating ginugunita ang Todos Los Santos o Araw ng Lahat ng mga Santo, tinatawag ding All Saints Day. Ipinagdiriwang tuwing ika-1 ng Nobyembre o unang lingo ng Pentekostes bilang paggunita sa lahat ng Santo o banal.

Ayon naman sa kasaysayan ng Iglesya Katolika Romana, ang Araw ng Todos los Santos ay parangal sa mga taong nakatamo ng beatipikong pananaw ng kalangitan. Ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang anibersaryo ng pagkamatay ng isang martir kay Kristo (kilala bilang “pagsilang” ng santo) at susundan ng pagdiriwang ng Eukaristiya sa puntod o lugar ng pinagmartiran. Noong ika-4 na siglo, ang mga magkakalapit na mga diyosesis ay nagsimulang maglipat ng mga relikya at magdiwang ng kapistahan ng mga kilalang martir na gaya ng pagdiriwang natin sa mga santong napamahal sa mga kristiyanong mananampalataya. Ito’y mababatid sa nasabing kasaysayan. 

IKALAWANG ARAW

Sa ikalawang araw naman sa magkaparehong buwan ay ipinagdarasal ng lahat ng Kristiyanong Pilipino ang kaluluwa ng kani-kanilang kamag-anakang yumao. Marami ang nagpupunta sa mga sementeryo at ito’y nagiging reunion na rin ng mag-anak. Karamihan ay nililinis ang mga puntod upang maiparating natin ang wagas na pagmamahal sa kanila kahit hindi na sila kapiling. Pinagtitirikan ng kandila at nag-aalay tayo ng kaunting pagkain sa tabi ng kanilang puntod. Ito ay palansak nating mga Pinoy na tinatawag ding Araw ng mga Patay, Pista ng Patay o Undas. Tinutukoy na ang Araw ng mga Kaluluwa ay paggunita sa lahat ng yumaong mananampalataya na hindi pa nadadalisay at nakararating sa langit. Madalas tuwing ika 1 ng Nobyembre nagtutungo ang lahat sa mga sementeryo. May mga pagkakataong nakalilimutan natin ang pakahulugan ng nabanggit na petsa sa buwang ito.

TRICK OR TREAT AT HALLOWEEN PARTY PATOK SA LAHAT

Karaniwang pinaghahandaan ng iba’t-ibang paaralan na gawing mas-exciting ang Araw ng mga Kaluluwa bago pa man mag-Undas. Nagsasagawa ng tinatawag na Halloween Party ang mga estudyante sa loob ng bawat classroom at maging ang ilang Mall owners sa iba’t ibang siyudad. Nagde-decorate, nagbibihis ng pang-halloween costumes, prosthetic make up at iba pang trick na maghahatid sa lahat ng katatakutan. Isama pa natin ang trick or treat with matching pumpkins na paglalagyan ng mga candies at iba pa. Ito’y patok sa mga batang mahilig sa katatakutan ngunit kinakailangan pa rin ng patnubay ng mga magulang dahil maari itong magdulot ng phobia sa mga chikiting.

Ang salitang “Hallow” o “Halloween” sa ingles ay hango sa salitang “Santo” katumbas ng “Ang Bisperas ng Todos los Santos” o “Gabi ng pangangaluluwa”. Sa Pilipinas ang Halloween Party ay kadikit na ng ating pamumuhay na minana pa natin sa mga dayuhang mananakop noon. At dahil patok ang katatakutan sa mga pinoy, mas bentahan din ito ng mga pelikulang may ‘genre’ o temang pangkatatakutan o horror movies. Masgusto nating tinatakot ang ating mga sarili na talaga namang kikilabutan tayo ng tagos hanggang buto.

BUWAN NG NOBYEMBRE, MAKASAYSAYAN DIN SA ATIN

Alam niyo ba na ang buwan ng Nobyembre ay nag-iwan din ng marka sa ating kasaysayan? Ang ilan sa mga petsa o araw sa buwang ito ay may kasaysayang itinatago. Ilan dito ay ang sumusunod;

1 Nobyembre 1841. Nagkaroon ng madugong bakbakan ang Cofradia de San Jose, ang kapisanang itinatag ni Apolinario de la Cruz laban sa mga kolonisador, at ang hukbong Kastila. Nagupo ang Cofradia, tumakas si de la Cruz, ngunit nabihag muli ng Kastila.

9 Nobyembre 1774. Pinahintulutan ng herarkiya ng Simbahang Katolika sa Filipinas na tanggapin ang mga katutubong Filipino na maging pari. Dati, tanging mga Kastila lamang ang puwedeng maging pari. Isinilang naman si Teodoro A. Agoncillo sa Lemery, Batangas noong 9 Nobyembre 1912. Si Agoncillo ay kilalang istoryador, propesor, kritiko, sanaysayista, at Pambansang Siyentipiko.

14 Nobyembre 1875. Ipinanganak si Gregorio del Pilar sa San Jose, Bulakan. Si del Pilar ay heneral ng himagsikan at bayani sa bakbakan sa Pasong Tirad.

15 Nobyembre 1895. Inihinto ang paglalathala ng La Solidaridad, ang pahayagang repormista na kumakalat noon sa Madrid, Espanya.

30 Nobyembre 1863. Isinilang si Andres Bonifacio sa Tundo, Maynila. Siya ang pundador ng Katipunan at itinuturing na “Ama ng Himagsikan.”

PRESENSYA NG NOBYEMBRE

Sa halip na tayo ay mamuhay sa mundong sopistikado at puno ng katatakutan. Mainam na mabatid ng lahat ang tungkol sa makasaysayang itinatago sa likod ng buwan ng Nobyembre. Mula sa pagbibigay respeto sa mga Santong martir, ang pag-alaala natin sa mga puntod ng ating mga kamag-anakang tahimik ng nahihimlay. Bigyan din natin ng pagkakataong mabatid ang kasaysayan sa buwan ng Nobyembre. Hindi lang puro kwentong katatakutan bagkus may kapupulutan din tayong aral. Mainam din ang araw na ito upang manatili tayo sa loob ng ating bahay at makaiwas sa banta ng pandemya sa ating bansa. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “BUWAN NG KATATAKUTAN, KAPUPULUTAN DIN NG ARAL

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: