
BAGONG MANILA ZOO MALA-LUXURY ANG DATING
[by Athena Yap]
Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!Mas sosyal, mas maaliwalas at mas environment friendly.
‘Yan ay ilan lamang sa mga swak na kataga para ilarawan ang bagong Manila Zoo.

Patuloy pa rin ang pagpapaganda sa bagong atraksyon ng Maynila na pinangunahan ni Yorme Isko Domagoso.
Ayon kay Parks and Recreation Bureau Director Pio Morabe, humigit kumulang 4.8 hectares ang Manila Zoo at talagang siniguro nilang mapaganda ang bawat bahagi nito.
Sa ngayon, ang pinaka-kumpleto at magandang bisitahin na bahagi ng Zoo ay ang Butterfly Museum kung saan makikita na kayang ipantapat sa ibang bansa na zoo.
Mayroong dalawang palapag ang Butterfly Museum na puro halaman at mga bulaklak na napalilibutan din ng mga buhay na paru-paro.




Kabilang naman sa mga hayop na maaari na’ng masilip ay ang mga ibon gaya ng Peacock, Stork at marami pang iba.
Mayroon na ring Hebra (Horse cross Zebra) at Philippine Deer.





Nagsusumikap din ang Manila City Government na magkaroon ng isa pang elepante para may kasama ang 48-year-old elephant na si Mali.
Matatandaang nagkaroon ng soft opening ang Manila Zoo noong December 20, 2021. ###