fbpx
Friday, April 26, 2024
PIPENG SAPATERO NG KALYE TRAMO

PIPENG SAPATERO NG KALYE TRAMO

0 0
Read Time:59 Second

[Ni: Sid Samaniego]

Thank you for reading this post, don't forget to subscribe!

ROSARIO, CAVITE: “Isenyas mo lang at gagawin ko ang sirang sapatos mo”, ito ang nais tukuyin ng isang pipeng sapatero na si Cesar G. Casbadillo, nang kalye Tramo ng bayan na ito, 58 anyos at isang binata.

Animo’y isang magikero ang kamay ni Cesar sa paggawa ng sirang sapatos. Dahil ang dating sirang sapatos ay nagmumukhang bago at magara sa paningin ng iba.

Mapapa-wow ka naman talaga sa husay niya.

Sinusuri at dahan-dahang tinatahi ang bawat parte ng sirang sapatos. Kinukulayan na naaayon sa taglay nitong kulay. Isa sa katangian mayroon si Cesar pagdating sa paggawa ng sapatos.

Sa halagang 120 pisong bayad sa bawat sapatos ay napaka-murang halaga na.

Masipag na Sapatero si Cesar. Sa maamong mukhang taglay niya, marami ang nagpapagawa sa kanya.

Kumikita siya ng halagang 750 bawat araw.

Ipinanganak sa nakakabinging katahimikan ng buhay. Walang ingay na naririnig at ang bawat senyas ng kanyang kamay ang nagiging gabay ng pang-araw-araw niyang buhay.

Tahimik man ang kanyang mundong ginagalawan, nag-uumapaw naman sa kaingayan ang galing at husay niya pagdating sa paggawa ng sirang sapatos.

Cesar Casbadillo, isang mahusay na Sapatero sa bayan ng Rosario. ###

About Post Author

Diyaryo Milenyo Digital News

DIYARYO MILENYO is an autonomous and non-profit online media organization that reports local community events and current affairs of public interest, with both national and global relevance. Our team consists of volunteer journalists and community writers from diverse locations across the Philippines. Our primary objective is to report news and events as they unfold while adhering to journalism's highest standards and ethics. We maintain a strict stance against publishing content that attacks individuals and prioritize highlighting positive news.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise
Surprise
0 %

Espesyal Provincial Sid Samaniego

You May Have Missed

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading

Discover more from Diyaryo Milenyo

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading