[Ni Sid samaniego ROSARIO, CAVITE:

“Kahit butas ng karayom, papasukin ko”, mga linyang tumatak buhat sa Hari ng Pelikulang Pilipino na si FPJ.

Sa isang tagong lugar sa Tramo, Brgy. Tejeros Convention may isang lugar na kung tawagin ng marami higit ng mga nagtatrabaho sa Epza ay “Butas”.

Sa sukat na 7,954 sentimetro kwadrado ng butas na ito, naglalabas-pasok ang hindi mabilang na dami ng tao na kung tawagin ng ilan ay “Epza Boys/Girls”.

Nang dahil sa “butas” na ito, napapabilis at napapadali ang oras ng pagpasok at paguwi ng bawat manggagawa sa Epza. Ang “butas” na ito ay siyang nagiging alternatibong daan papunta sa mga naglalakihang kumpanya sa Epza.

Nang dahil sa “butas” na ito, nabigyan ng magandang pagkakataon ang marami na magtinda ng iba’t ibang klaseng produkto. Napaunlad nito ang pamumuhay ng bawat pamilya.

Nang dahil sa “butas” na ito, gumaganda ang kita ng mga sidecar at tricycle driver. Maging ng mga baby bus driver. Maliit na “butas” lang kung titingnan. Subalit animo’y isang malawak na daan na nagbibigay ng magandang kita at kabuhayan sa bawat indibidwal.

Ingatan natin ito na huwag ng maulit na magsara. Panatiliin ang maayos at disiplinang sistema ng bayan at ekonomiya. ##

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

%d bloggers like this: