Bong Go gusto maging Pangulo – DUTERTE

0 0
Read Time:1 Minute, 39 Second
File image: GMA News (Senator-Elect takes oath before President Duterte)

SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais maging Pangulo ni Bong Go sa darating na halalan 2022 sa naging talumpati nito sa Port Operations Building, Port of Dumaguete sa Dumaguete City, Negros Oriental.

“Ito ba si Senator Bong Go, pababa kami sa eroplano, sabi niya, ‘Sir, may hingin sana ako sa iyo na pabor.’ Sabi niya medyo it leaves a bad taste in the mouth pero ikaw na lang ang magsabi sa kanila. Sabihin ko, ang totoo, isang bagay lang: sabihin raw sa inyo, gusto niya maging Presidente,” saad ni Pangulong Duterte.

Si Bong Go ay isa sa pinaka pinagkakatiwalaaan ni Pangulong Duterte sa loob ng mahigit 20 taon mula pa noong maglingkod ang Pangulo bilang Alkalde ng Davao City. Nitong halalan 2019, masikap na sinuportahan ng Pangulo ang pangangampanya ni Go bilang Senador at ito ay nagtagumpay sa kanyang tinatahak ngayon na posisyon.

Napangiti na lamang si Go sa rebelasyon ng Pangulo at tila nabuhayan ito ng dugo. Matapos itong ipahayag ay ibinaling ng Pangulo sa ibang usapin ang kanyang talumpati.

Ibinunyag din ng Pangulo sa magkaparehong araw na hinihimok ng partidong PDP-Laban si Pangulong Duterte na tumakbo ito sa pagka-Bise Presidente sa bansa sa darating na halalan 2022.

Ayon sa 1987 Constitution, pinahihintulutan lamang ng batas na manilbihan ang nailuklok na Pangulo sa bansa sa loob ng 6 na taon, at hindi kinukonsinte na ang Pangulo ay tatakbo sa mas mababang posisyon sa gobyerno.

Samantala, nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Huwebes na hindi niya batid ang usaping ito.

“I have no information on that,” saad ni Roque.

“I will consult the President on this. There was an instance when he mentioned that why would he run for Vice President when he already became President, but I don’t know if there has been any change,” dagdag ni Roque. (DM)

About Post Author

Diyaryo Milenyo

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.
Happy
Happy
0 %
Sad
Sad
0 %
Excited
Excited
0 %
Sleepy
Sleepy
0 %
Angry
Angry
0 %
Surprise

Learn More →
%d bloggers like this: