
Hawaan ng COVID-19 sa loob ng bahay, pinangangambahan

DAHIL sa mabilis na pag-mutate ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), patuloy sa pagbibigay paalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na pairalin at sundin ang health protocols sa pamamagitan ng pagsuot ng face mask, face shield at ang pag-iwas sa matataong lugar.
Ngunit sadyang marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi sumusunod sa panuntunang ito.
Pinangangambahan ngayon ang bawat miyembro ng pamilya na labas-masok sa kanilang tahanan patungo sa opisina at sa iba pang establisimyento na pinagmumulan ng paghawa ng virus na nadadala sa loob ng bahay kung bakit ganun na lamang ang paghihigpit ng mga otoridad sa pagsuot ng facemask kahit pa nasa loob ng bahay.
Isang panukala din ang ibinahagi ng ilang health workers na bawasan ang workforce sa mga opisina at gawin na lamang ang mga empleyado na work from home. Aniya, mas malaki ang tiyansa na muling bumaba at mapanatiling ligtas ang bawat miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan na mahawaan ng virus.
Kung magpapatuloy ang pagdami ng mga bagong kaso ng COVID-19 kada araw. May posibilidad na maaring mag-lockdown ang bansa at ito ay iniiwasang mangyari ng pamahalaan, kahit na ngayon ay nagpapatupad ang mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region ng granular lockdown sa kani-kanilang mga nasasakupan ay kinakailangan pa ring limitahan ang kakapalan ng tao sa labas para hindi na makapanghawa pa ang virus sa loob ng ating bahay. Inaasahan din ng pamahalaan na makikiisa sa pagbabakuna ang bawat Pilipino sa bansa upang mapigilan ang paghawa sa naturang virus.
Samantala, nakapagtala ngayong araw ang DOH ng 4,437 new cases, mas mababa ito ng 967 cases kahapon. (Ni J. Abilla)
About Post Author
Diyaryo Milenyo
Related
More Stories
Maharlika Investment Fund? It’s about Time or Not?
House Speaker Martin Romualdez — Marcos’ cousin — filed House Bill 6398 that seeks to establish what would be known as...
US Vice President Harris, nasa ‘Pinas
MANILA, Philippines -- Dumating sa Pilipinas si US Vice President Kamala Harris nitong Linggo ng gabi mula Bangkok, Thailand. Makikipagpulong...
Marcos, inaasahang matatalakay ang Food Security and Energy sa APEC Summit 2022
BANGKOK, Thailand -- Lumapag na nitong Miyerkules ng gabi [November 16] si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa Thailand kung...
Marcos, hinimok ang US na gamitin ang global influence sa pagpigil na pagtaas ng presyo ng gasolina
Hinimok ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Estados Unidos nitong Sabado, Nobyembre 12, na gamitin ang kanilang pandaigdigang...
‘Pinas at Vietnam, nagkasundo na palakasin ang intel sharing sa gitna nang territorial claims sa karagatan
COMBODIA -- Nagkasundo si Panguong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. at Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh nitong Huwebes [November 10],...
Climate Change and the Impact to Economy (Part 2)
by Rick Daligdig [Part 2] Every time we experience ferocious typhoons or other calamities we only know about the...