Banner Story

Private sector handa nang bumili ng vaccines pero wala pang available na suplay – Concepcion

image: worldtodaynews.com

Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey A. Concepcion na handa nang bumili ng coronavirus vaccines ang mga pribadong sektor ngunit wala pang suplay na mapagkukuhanan ng vaccine sa ngayon.

“We’d love to do it, but no pharmaceutical company will be able to sell (to) you, especially today because there’s just a shortage of supply at this current time,” saad ni Concepcion sa Kapihan sa Bay nitong Miyerkules.

Mariin ding inanunsyo ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na televised address nitong Lunes (Marso 29) na kanyang pinapayagang makabili ang mga pribadong sektor sa kanilang kagustuhan.

Kaugnay nito, klinaro ni Secretary Carlito G. Galvez Jr. ang vaccination program na kung sakaling bumili ng vaccine ang mga pribadong kumpanya kailangan pa rin nilang isaalang-alang na magkaroon ng kontrata sa pagitan ng manufacturer at ang kaugnayan ng pamahalaan.

Sinabi rin ni Presidential Spokesperson Herminio L. Roque Jr. nitong Martes (Marso 30) na ang lahat ng mga authorized coronavirus vaccines sa bansa ay under for emergency use at hindi para sa commercial distribution.

Ang mga kumpanya na sakaling makabibili ng vaccines ay kailangan isailalim sa isang tripartite deal, ito ay para panagutin ang bansa kung sakaling magkasakit ang mga indibidwal sa bakunang bibilhin.

Pinangunahan ni Concepcion ang Dose of Hope na nakatulong na makapangalap ng 17 million doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine sa pamamagitan ng tripartite agreement sa pribadong sektor at lokal na pamahalaan. Kabilang sa mga dosis na binili sa pamamagitan ng mga negosyo, ang kalahati nito ay mapupunta sa kanilang mga manggagawa at ang kalahati ay ibibigay naman sa gobyerno.

Samantala, hiniling ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na payagan ang mga pribadong sektor na direktang bumili ng mga bakuna nang walang paghihigpit at kondisyon.

Saad naman ni Concepcion na kailangan ipagpatuloy ang pagsunod sa pagpapatupad ng tripartite agreement na inilaan ng pamahalaan. #DM

DIYARYO MILENYO is a free and independent online media outfit that publishes events happening in the local communities and current issues that matter to the public with local, national and global implications. DIYARYO MILENYO is composed of volunteer journalists and community writers scattered in various parts of the Philippines. They report the news right and where it happens. It adheres to the standards and ethics of journalism. It imposes strict rules against attacking someone. Strictly adhering to publish good news only.

0 comments on “Private sector handa nang bumili ng vaccines pero wala pang available na suplay – Concepcion

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: